SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
SINAGOT ni Ellen Adarna ang komento ng isang fan na pinuna ang pakakaroon niya ng access sa backstage ng concert ng Taiwanese male group na F4 sa Pilipinas.
Isa si Ellen sa dumalo sa concert at nai-post nito sa kanyang Instagram ang mga fangirling moments kabilang ang pagpapa-picture sa F4 member na si Vanness Wu sa backstage.
Makikita rin ang video niya na matagal niyang kasama si Vanness sa backstage at tinuruan ito ng agalog words.
Sa Instagram Story ipinakita ni Ellen ang screenshot ng komento ng fan. “@livenationph u never disappoint us! I’m waiting to see which celebrity or influencer is backstage at BTS.”
Na agad nilinaw ni Elen at sinabing mismong si Vanness ang nagbigay ng access sa kanila dahil kaibigan nito ang friend din niyang si Rovilson Fernandez.
“Before spreading false information please fact check first.
“Vanness personally gave us backstage access through his friendship with @rovilsonfernandez. Live Nation had nothing to do with it. Ive been friends with Rovilson since before showbiz, and he’s been good friends with Vanness for years. They simply wanted to catch up, and we were fortunate enough to be invited along,” paglilinaw ni Ellen.
Sinabi pa ni Ellen na, “Not everything needs a conspiracy or special treatment. Sometimes its simply called friendship. Next time, verify your information before making accusations.
“Pag inggit, pikit.”
May hirit pa si Ellen sa fans na mahilig gumawa ng kwento.
“Sa mga bitter na faney, eto ang totoong nangyari. Mahirap ba talagang maging masaya na lang para sa iba? Hindi naman lahat ng bagay kailangan gawan ng issue o kwento,” giit pa ni Ellen.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com