Thursday , July 2 2026
Jojo Mendrez

Revival King Jojo Mendrez, pinabilib sina Moira at Ben&Ben

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ISA sa tampok na bahagi ng 17th Star Awards for Music ang pagtatanghal ng The Revival King na si Jojo Mendrez. Binihag ni Jojo ang mga manonood sa kanyang madamdaming pag-awit ng walang kupas na OPM classic na “Yakap,” ang iconic na awiting unang pinasikat ni Junior noong dekada 80.

Sa natatanging interpretasyon ni Jojo, muli niyang binigyang-buhay ang minahal na kanta, ipinamalas hindi lamang ang kanyang kahanga-hangang husay sa pag-awit kundi maging ang malalim niyang damdamin sa musika. Dahil dito, umani siya ng masigabong palakpakan at paghanga mula sa lahat ng dumalo.

Inamin ni Jojo na matindi ang kanyang kaba bago umakyat sa entablado. “Pakiramdam ko, parang kandilang natutunaw ako sa sobrang kaba. Akala ko hindi ko na kakayaning mag-perform. Nagdasal ako sa backstage na sana ay makakanta ako nang maayos,” pagbabahagi ng singer. Ang sumunod na nangyari ay hindi niya inaasahan. “Nagulat ako dahil may mga pagkakataon habang kumakanta ako ay pumalakpak ang mga tao, at may ilan pang sumisigaw ng pangalan ko. Maraming salamat po sa lahat ng naka-appreciate sa performance ko,” dagdag pa niya.

Pinuri ng mga manonood ang kanyang boses at ang interpretasyon ng klasikong awitin. Mas naging makabuluhan ang pagdiriwang dahil sa suportang ipinakita ng ilan sa mga nirerespeto na musician sa bansa. Nakitang buong pusong pumapalakpak para kay Jojo ang kilalang singer-songwriter na Moira Dela Torre at ang multi-awarded indie folk-pop band na Ben&Ben, na kilala sa kanilang mga makabagbag-damdaming awitin.

Labis na naantig si Jojo nang mapanood ang video na pinapalakpakan siya nina Moira at Ben&Ben. “Napanood ko ang mga video katapos ng event, at taos-puso akong nagpapasalamat kina Moira, Ben&Ben at sa lahat ng mga artists na buong pusong nagustuhan ang performance ko. Napakalaki ng kahulugan ng kanilang suporta para sa akin, at mula sa kaibuturan ng aking puso, maraming-maraming salamat po,” wika ni Jojo.

Para kay Jojo, ang gabing iyon ay higit pa sa isang ordinaryong pagtatanghal. Isa itong importanteng yugto sa kanyang journey bilang isang singer na nagpatibay sa kanyang pagmamahal sa OPM at sa patuloy niyang pag-usbong sa industriya ng musika. Ang mainit na pagtanggap ng mga manonood, ang taos-pusong pagsuporta ng publiko, at ang pagkilala mula sa kanyang kapwa singers ay naging isang alaalang kanyang pahahalagahan habambuhay.

After ng 17th Star Awards for Music, hindi lang palakpakan ang kanyang naiuwi, bitbit niya ang mahahalagang alaala, pusong puno ng pasasalamat, at bagong inspirasyon upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng bagong buhay sa mga walang kupas na klasikong awiting Filipino para sa susunod na henerasyon ng mga tagahanga ng musika. Para sa The Revival King na si Jojo, ang gabing iyon ay mananatiling nakaukit sa puso niya, isang paalala na ang tunay na pagmamahal sa musika, sining, at walang sawang dedikasyon ay palaging may puwang sa puso ng mga tagapakinig.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne magpapakasal na sa 2027

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang nag-aabang sa kasalang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya naman …

Hana Joan Regine Velasquez

Regine inspirasyon sa pagkanta ni Hana Joan 

MATABILni John Fontanilla IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan. Ito ang …