ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IBA talaga ang alagang Beautederm. Minsan pa itong napatunayan sa endorsers nilang sina Bulacan Vice Governor Alex Castro at ng Sexbomb member na si Sunshine Garcia.
Last Thursday ay pinangunahan ng Beautedem CEO and founder Rhea Anicoche Tan ang launching ng sariling perfumes na nakapangalan sa kanila, ang Alex at Sunshine scents ng Beautederm Parfums. Dito’y ipinahayag ni Ms. Rhea ang pagiging loyal endorsers nina VG Alex at Sunshine at ang kahalagahan ng pagkakaibigan.
Wika ng Beautederm lady boss, “We are fortunate that Beautederm is still around after 16 years and continuous to develop not only as a business, but also a cultural force.
“Today we express our gratitude to Sunshine Garcia and our Vice Governor Alex Castro, one of our original endorsers, our OGs since 2013. They have grown to be significant figures in Beautederm’s success. So, we have developed fragrances for them. That illustrate how business is always personal. It is personal because Beautederm believes in a culture in which everyone is treated as if they were members of a real family, with no one left out.
“These scents represent that brand growth isn’t always about money, it’s about, how we make others feel, see, and smell. Today also marks the debut of Alex and Sunshine’s first ever billboard in NLEX. Iyan ang regalo ko sa kanila for being my loyal babies. Sa totoo lang konsehal pa lang yata siya noon, baby ko na siya. Imagine mo Vice Governor na siya, hindi pa rin niya ako iniiwan. Siya ang nagpapatunay na hindi ang kasikatan at pera ang nakakasira sa pagkakaibigan.
“Here at Beautederm, we value personal relationships and genuine connections and we will maintain that culture. We believe that Sunshine and Alex deserve their own perfumes under our brand. And aside from the fact that they smell good, they remind us that the true scent of success is a friendship built on love and sincerity.”
Labis naman ang pasasalamat ng dalawa kay Ms. Rhea. Wika ni Sunshine, “Thank you sa lahat ng pumunta rito and thank you ate (Rei), thank you sa love at support mo sa amin. Iba, iba ka talaga.”
Ito naman ang pahayag ni VG Alex, “Of course kay Ate Rei, thank you very much, nakaka-touch ang iyong message kanina. Imagine, 2013 nang una kaming nagkakilala. Actually, it’s an honor na naging part ako ng Beautederm for almost ilang years na. Na. Nagsisimula pa lang kami pareho ng Beautederm… Pero masaya ako dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin ako. And eto na nga, may billboard na rin kami and nagkaroon kami ng chance na magkaroon ng sariling perfumes.
“Eto lang siguro ang masasabi ko, in a world na parang lahat walang loyalty, pero mayroon pa ring pagkakataon na maniwala pa rin tayo na puwede pa rin tayong maging loyal sa isa’t isa. Kahit na anong dumating sa buhay natin, even sa our relationships, our friends, or sa negosyo, huwag tayong mawalan ng pag-asa na may mga taong loyal pa rin sa atin. And being a loyal ambassador, mahal kita ate Rhea and nandito may kasama pa akong magmamahal sa iyo, ang asawa ko. Mahal ka namin.”
Nagpasalamat din si VG Alex sa members ng media at mga kapatid sa Beautederm na sina Sanya Lopez, Kitkat, Glydel Mercado, at Kakai Bautista na nag-provide ng support sa kanilang launching.
Ang iba pang scents na kabilang sa Beautederm Parfums ay ang Rei, Rein, at Audrey na lahat ay super sa bango. Available ang Beautederm Parfums sa lahat ng Beautederm stores and branches, nationwide.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com