Thursday , July 2 2026
VIVA The Next Big Star

SINO ANG SUSUNOD NA SUPERSTAR? 
Cristine Reyes at 2 batikang direktor hahanap ng bagong Viva’s Next Big Star

ni Allan Sancon

MAINIT na agad ang usapan sa Viva’s Next Big Star ng Viva One dahil bukod sa matitinding talent showdown, nagsisimula na ring pagdiskitahan ng fans ang mga posibleng loveteam sa walong finalists. Sa pangunguna ng mga hurado at mentors na sina Cristine Reyes, Direk Mac Alejandre, at Direk Jason Paul Laxamana, hahanapin sa kompetisyon ang susunod na artista na may kompletong package—looks, talento, disiplina, at star quality na kayang magningning sa telebisyon, pelikula, at digital platforms.

Nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang walong finalists na handang patunayan na sila ang susunod na malaking bituin ng Viva. Sila ay sina Miguel, ang Sweet Cheerful Boy ng Davao City; Kurt, ang Gamer-tista ng Rizal; Mish, ang Hobby Hoarder ng Davao City; Lougee, ang Charming TikToker ng Caloocan City; Jaycee, ang Popstar ng Laguna; Calvin, ang Martial Artist ng Parañaque; Mina, ang Rising Superstar ng Muntinlupa; at Jamie, ang Shy Sweetheart ng Bulacan.

Bawat isa ay may kakaibang personalidad at talento na tiyak na susubaybayan ng mga manonood.

Ayon kay Direk Jason Paul, kapansin-pansin ang natatanging potensiyal ng walong finalists. Naniniwala siyang bawat isa ay may sariling “spark” at personalidad na maaaring magdala sa kanila sa tagumpay. Para sa kanya, hindi lang talento ang kailangan ng isang artista kundi ang sipag, dedikasyon, at kakayahang tumanggap ng mga hamon habang patuloy na hinuhubog ang kanilang kakayahan.

Para naman kay Direk Mac, malaking bagay ang ipinakikitang determinasyon ng mga finalist. Aniya, kitang-kita ang kanilang kagustuhang matuto at ang pagiging bukas sa gabay ng kanilang mentors. Dagdag pa niya, ang tunay na artista ay hindi lamang mahusay sa harap ng kamera kundi marunong ding tumanggap ng puna upang lalo pang umunlad.

Hindi rin maitago ni Cristine ang paghanga sa walong contenders. Ayon sa aktres, bawat finalist ay may sariling ningning at may kakayahang maging susunod na leading star ng Viva. Para kay Cristine, ang pagiging mapagpakumbaba, propesyonal, at handang magsumikap ang ilan sa mga katangiang magdadala sa kanila sa pangmatagalang tagumpay sa industriya.

Bukod sa kompetisyon, kinikilig na rin ang ilang viewers sa posibilidad ng mga bagong loveteam. Sa isang panayam, inamin ni Calvin na bukas siya kung bibigyan ng ka-love team. 

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makatambal, sinabi niyang si Jaycee ang una niyang naiisip dahil naniniwala siyang may magandang chemistry silang maipakikita sa harap ng kamera. Para sa kanya, handa siyang tanggapin ang anumang oportunidad na ibibigay ng Viva upang mas mapatunayan ang kanyang kakayahan bilang artista.

Ganoon din ang pananaw ni Miguel, na nagsabing willing din siyang magkaroon ng loveteam kung iyon ang makatutulong sa kanyang career. Kung siya ang papipiliin, gusto niyang makatambal ang kapwa Davaweña na si Mish. Ayon kay Miguel, malaking advantage ang pareho silang lumaki sa Davao dahil komportable na sila sa isa’t isa at naniniwala siyang magiging natural ang kanilang samahan sa harap ng kamera. Hindi naman itinanggi ng fans na may potensiyal ding kiligin sa tambalan nina Miguel at Mish.

Sa direksiyon ni Ryan Evangelista, masisilayan ng viewers ang tunay na paglalakbay ng walong finalists—mula sa kanilang training, backstage preparations, acting workshops, at matitinding challenges hanggang sa paghubog sa kanila bilang mga future star. Habang papalapit ang bawat elimination, lalong tumitindi ang tanong ng mga manonood: Sino ang magiging susunod na Viva superstar, at sino naman ang unang loveteam na mamahalin ng buong bansa? 

Alamin ang sagot sa Viva’s Next Big Star, na may bagong episodes tuwing Biyernes, streaming eksklusibo sa Viva One.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne magpapakasal na sa 2027

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na ang nag-aabang sa kasalang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya naman …

Hana Joan Regine Velasquez

Regine inspirasyon sa pagkanta ni Hana Joan 

MATABILni John Fontanilla IDOLO si Regine Velasquez ng singer/businesswoman and beauty queen na si Hana Joan. Ito ang …