SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat Bulaga na siAnjo Yllana.
Ikinalugod ng TVJ Productions, Inc. at Eat Bulaga ang desisyon ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 279 na pagbayarin ang comedian-host at isyuhan ng permanent injunction.
Ito’y may kaugnayan sa mga mapanirang-puring pahayag ng aktor laban sa mga host ng Eat Bulaga sa pamamagitan ng TikTok.
Inatasan ng korte si Anjo na magbayad ng P3.5-M bilang danyos sa TVJ Productions dahil nakasira umano sa reputasyon ng noontime show at ng mga host nito ang kanyang mga pinagsasabi.
Sa inilabas na resolusyon ng korte, sinabi nitong hindi lisensiya ang freedom of speech para manira ng reputasyon ng ibang tao.
Pinagbabawalan din si Yllana, ang mga kinatawan niya, at iba pang taong kumikilos para sa kanya na maglabas, magbahagi, mag-broadcast, o mag-reupload ng mga pahayag sa social media na makasisira sa reputasyon at goodwill ng TVJ Productions at Eat Bulaga.
Papatawan ng 6% legal interest kada taon ang mga ipinagkaloob na halaga mula sa pinal na desisyon hanggang sa ganap na mabayaran.
Sa official statement ng TVJ Productions ukol sa resulta ng isinampa nilang kaso laban kay Anjo, ikinasiya nila ang naging desisyon.
Anila, “This victory is a defense of the integrity of Eat Bulaga, its hosts, and the trust that generations of viewers have placed in the program.”
Wala pang statement na inilalabas si Anjo habang isinusulat ang balitang ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com