Wednesday , July 1 2026
Padre Pio 1
𝐒𝐀 𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐀𝐓𝐀𝐘𝐀. Mula sa taimtim na panalangin at mga sulat-kahilingan hanggang sa libo-libong rosaryong handog at payapang kapaligiran ng dambana, patuloy na dinarayo ng mga deboto ang St. Pio of Pietrelcina Chapel sa Quezon City bilang lugar ng pag-asa, pasasalamat, at pananampalataya. (Mga kuhang larawan ni TEDDY BRUL)

Sa Italy
‘Lumuluhang’ rebulto ni Padre Pio dinarayo

PATULOY na dinarayo ng mga deboto, mga mamamahayag, at mga mausisang bisita ang simbahan ng Santa Maria delle Grazie (Our Lady of Grace) sa Casalba, Italy, matapos maiulat ang sinabing paglabas ng tila dugong luha sa kaliwang mata ng rebulto ni San Padre Pio.

Sinabing naganap ang kakaibang pangyayari noong 18 Abril 2026 nang mapansin ng ilang mananampalatayang nananalangin ang mapulang mantsang kahawig ng dugo sa rebulto.

Sinubukan ni Fr. Girolamo Capuano, kura paroko ng simbahan, na linisin ang mantsa ngunit hindi ito naalis sa kabila ng ilang ulit na pagtatangka.

Sinuri rin ng pari ang mga kuha ng closed-circuit television (CCTV) sa loob ng isang buwan at sinabi nitong wala siyang nakitang anumang senyales na may taong nanghimasok o nagmanipula sa rebulto.

Sa kabila nito, nananatiling maingat ang Simbahang Katolika sa paghusga sa mga ganitong ulat. Isinagawa na ng lokal na diyosesis ang paunang imbestigasyon at isinumite ang mga natuklasan nito sa Dicastery for the Doctrine of the Faith sa Roma, na siyang magsasagawa ng mas malalim na pagsusuri bago maglabas ng anumang opisyal na pasya.

Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, tuloy-tuloy rin ang pagdating ng mga peregrino, mga mamamahayag, at mga usisero na nais makita nang personal ang rebulto.

Samantala, sa Filipinas, patuloy na dinarayo ng mga deboto ang St. Pio of Pietrelcina Chapel sa Barangay Bagumbayan, Quezon City, upang manalangin, magsagawa ng nobena, magdasal ng Santo Rosaryo at humingi ng pamamagitan ni San Padre Pio para sa kanilang mga kahilingan.

Bumibili rin ang mga peregrino ng mga rosaryo sa gift shop ng kapilya at nakikilahok sa araw-araw na nobena. Matapos ang panalangin, isinasabit ang kanilang mga rosaryo sa mga bintana at bakod ng kapilya.

Sa paglipas ng mga taon, libo-libong rosaryo na ang nakolekta ng kapilya at ang ilan sa mga ito ay ginawang mga palamuting ilaw na makikita ngayon sa loob at paligid ng dambana.

Maraming deboto ang nagpatotoong natugunan ang kanilang mga panalangin sa pamamagitan ng intersesyon ni San Padre Pio.  Ayon sa pahayag ng Isang deboto na si Jun Villarica, patuloy ang kayyang pagbisita sa kapilya kasama madalas ang pamilya niya. Kanyang nahikayat din ang  kaanak niya at kaibigan upang dumalo sa misa, mag-novena at pasasalamat sa matibay nilang pananampalataya. (𝑴𝒖𝒍𝒂 𝒔𝒂 𝒖𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝑬𝑾𝑻𝑵,  𝑽𝒂𝒕𝒊𝒄𝒂𝒏 𝑵𝒆𝒘𝒔, 𝒂𝒕 𝒏𝒊 𝑻𝒆𝒅𝒅𝒚 𝑩𝒓𝒖𝒍)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Teddy Brul

Check Also

Bris Hair

Kathryn metikoloso sa buhok; Bris Hair nina Mike at Lovely sagot sa buhaghag na buhok

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez METIKOLOSO sa buhok si Kathryn Bernardo kaya ito ang nagtulak kay Mike Feliciano, salon …

Aislinn Agnes Yap Princess Aumagel Cortez Jomary Torres Sambo

3 Ginto ng Pinas, pang lima sa Asia-Oceania Sambo

NAGTAPOS sa mataas na nota ang kampanya ng Pilipinas matapos masungkit ang ikatlo at huling …

SM City Marilao at SM City Baliwag pinagbuti ang mga mapagkukunan sa pagkatuto para sa 545 na mag-aaral na Bulakenyo

Para sa mas makabuluhang pagkatuto
SM City Marilao at SM City Baliwag nagkaloob ng PC units, atbp materyales para sa 545 mag-aaral na Bulakenyo

MULING pinagtibay ng SM City Marilao at SM City Baliwag ang kanilang pangako sa edukasyon …

PAPI RESCOM Philippine Army gun safety training

PAPI at RESCOM Philippine Army, nagsanib-puwersa sa gun safety training para sa mga mamamahayag

TANZA, CAVITE — Sa propesyong ang pangunahing sandata ay panulat, kamera, at katotohanan, muling pinaalala …

Nartatez PNP

Sinubok ng Trahedya: Ang Sukatan ng Pamumuno ni Chief Nartatez

TATLONG estudyante ang nasawi. Ilan pa ang nananatiling nasa ospital. Ang isang paaralan sa Tacloban, …