RATED R
ni Rommel Gonzales
MARAMI na ang nag-aabang sa kasalang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz kaya naman marami ang nagbunyi at kinilig sa tila pagpapahiwatig ng magkasintahan na ikakasal na sila sa susunod na taon.
Naganap ito sa recent guesting nina Julie Anne at Rayver sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, at sa Agree o Disagree segment ay tinanong sila ni Boy Abunda ng, “Magpapakasal na kami in 2027?”
Parehong itinaas ng dalawa ang “Agree” sign na ikinatili ng mga tao sa studio.
“Kaya ako nag-agree, Tito Boy, kasi hindi ko alam ‘yung timeline pero alam ko naman na si Julie na ‘yung mapapangasawa ko,” seryosong sinabi ni Rayver na muling ikinatili ng audience sa studio.
Samantala, inihayag din nina Julie Anne at Rayver na hindi sila pabor sa live-in bago ang wedding.
“Very old-fashioned kasi Tito Boy ‘yung family ko, ganoon din ang kay Julie.
“Iba-iba naman po ang pananaw and opinion.
“Pero for me, si mama kasi at saka si papa, noong lumaki ako, iyon ‘yung gusto nila, kasal muna,” paliwanag ni Rayver.
Sinabi naman ni Julie Anne, “I guess, katulad nga rin ng sinabi ni Rayver, iba-iba kasi po talaga tayo.
“And parehas kasi kami ni Ray na very old fashioned ‘yung families namin. Ano muna, kasal.”
Regular na napanonood ang JulieVer na kapwa Sparkle artists bilang Clashmasters sa teen edition ng The Clash 7:15 p.m. sa GMA.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com