Tuesday , June 30 2026
Jos Garcia Nolo Lopez PMPC Star Awards for Music

Jos at Nolo emosyonal sa 17th Star Awards for Music 

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGDAGDAG ng panibagong mahalagang tagumpay sa kanilang karera sa musika ang singer-songwriter na si Nolo Lopez at recording artist na si Jos Garcia nang magwagi sila ng Collaboration of the Year sa katatapos na 17th PMPC Star Awards for Music para sa kanilang awiting Hanggang Dulo na isinulat niya at inawit nila ni Jos Garcia

Ang pagkilala ay isang makabuluhang tagumpay para sa dalawang artista, na sa pamamagitan ng kanilang kolaborasyon ay naiparating ang mensaheng nagbibigay-inspirasyon sa mas malawak na madla.

Sa isang social media post pagkatapos magwagi sa 17th Star Awards for Music ibinahagi nito na kamakailan ay naisip niyang pansamantalang huminto sa pag-awit at pagsusulat ng mga kanta para pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng kanyang kompanya. 

Gayunman, inilarawan niya ang natanggap na parangal bilang isang tugon sa kanyang panalangin at isang malinaw na hudyat upang ipagpatuloy ang kanyang pagmamahal at dedikasyon sa musika.

Nagpahayag din si Nolo ng taospusong pasasalamat kay Jos sa pagtanggap sa kanilang kolaborasyon, gayundin sa Philippine Movie Press Club (PMPC) sa ipinagkaloob na pagkilala.

Pinasalamatan din nito sina Atty. Patrick John Famillaran, ang Stardom Family, Inah Muñoz, at ang lahat ng kanilang mga tagasuporta na patuloy na umaalalay sa kanilang paglalakbay sa industriya ng musika.

Hindi naman napigilang hindi maluha ni Jos nang tanggapin nila ang karangalan at labis na nagpasalamat ito sa PMPC at sa Star Awards, sa kanyang pamilya, manager na si Atty. Patrick, kay Nolo, at sa Stardom Music Productions at sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Kim Chiu Ryzza Mae Dizon

Kim Chiu kinainisan biro patungkol kay Ryzza Mae 

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ng netizens ang biro ni Kim Chiu kay Eat Bulaga host, Ryzza Mae Dizon. Sa …

Bryan Dy Vice Ganda White Party

White Party nakalikom ng P1-M para sa HIV advocacies

HARD TALKni Pilar Mateo GAYA ng isang ibong nag–apoy, ang phoenix sa mga kwentong griyego, …

Bris Hair

Kathryn metikoloso sa buhok; Bris Hair nina Mike at Lovely sagot sa buhaghag na buhok

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez METIKOLOSO sa buhok si Kathryn Bernardo kaya ito ang nagtulak kay Mike Feliciano, salon …

Vice Ganda Sexbomb White Party

Vice Ganda pasabog sa White Party Manila; Sexbomb pinarangalang Gay Icon of the Year

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKALULULA ang laki at napakagarbo ng pagdiriwang ng White Party Manila Pride …

Dingdong Dantes The Master Cutter

Dingdong series mapapanood sa 4 na channels

I-FLEXni Jun Nardo HINDI lang isa o dalawang free TV channels mapapanood mamayang gabi ang The …