Friday , June 26 2026
Jinggoy Estrada

Suspension Order ng korte vs Jinggoy ipinatutupad ng Senado

MAHIGPIT na ipinatutupad na ng Senado ang Suspension Order  laban kay Senator Jinggoy Estrada na ipinataw ng Sandiganbayan Second Division dahil sa graft at plunder cases kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Senate Secretary Renato Bantug, Jr., noong Lunes, 22 Hunyo, ipinadala ni Senate President Sherwin Gatchalian sa tanggapan ni Estrada ang 90-day suspension order laban sa senador.

Dahil suspendido, nangangahulugan na wala rin matatanggap na sahod at allowances si Estrada.

Binigyang-linaw ni Bantug na hindi kasama sa suspensiyon ang operasyon ng opisina ni Estrada kaya patuloy na makapagtatrabaho at makatatanggap ng suweldo ang mga empleyado sa opisina nito.

Dahil dito tuloy-tuloy na makapagbibigay ng serbisyo sa publiko at sa bayan ang tanggapan ni Estrada.

Naniniwala si Bantug na kasama ng suspensiyon ay  hindi rin magagampanan ni Estrada ang pagiging senator-judge sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

QCPD Oplan Bisita Eskwela

QCPD Oplan Bisita Eskwela, pinalawig pa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

PINALAWIG pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipinaiiral nitong programang “Oplan Bisita Eskuwela” …

san juan city

Wattah Wattah Festival 2026 matagumpay na naipagdiwang

MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit …

human trafficking

Human trafficking vs ex-congressman ihahain ng NBI

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …

PNP CIDG AdMU Ateneo Rene Baterbonia Divine Adili

Kaso vs 10-11 AdMU staff ikinakasa na ng PNP

HINDI bababa sa 10 hanggang 11 empleyado ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang sasampahan …