Friday , June 26 2026
DepEd Money

Laban sa karahasan sa campus
P2-B para sa 10,000 school counselor associates tiniyak

KINALAMPAG ni Senate President Sherwin “Win” Gatchalian ang Department of Education (DepEd) sa pamamuno ni Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na pabilisin ang pangangalap ng school counselor associates sa gitna ng lumalalang karahasan sa mga paaralan.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian, kailangan nang pabilisin ang pagkuha ng school counselor associates para sa lahat ng pampublikong paaralan upang maiwasan kundi man tuluyang masawata ang dumarami at lumalalang kaso ng karahasan.

Naglaan ang 2026 national budget ng P2 bilyon para kumuha ng 10,000 School Counselor Associates I, alinsunod sa Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080).

Mandato ng naturang batas ang pagbuo at pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program upang itaguyod ang mental health at kapakanan ng mga mag-aaral.

Upang tugunan ang kakulangan ng guidance counselors sa mga pampublikong paaralan, lumikha ang batas ng mga posisyong School Counselor Associates para tumulong sa pagpapatupad ng School-Based Mental Health Program.

“Naglaan tayo ng pondo para sa pagkuha ng mga School Counselor Associate upang gabayan ang mga mag-aaral sa paghubog ng mabuting asal at matiyak ang kanilang maayos na kalagayang pangkaisipan at emosyonal,” ani Gatchalian.

Para maging kalipikado bilang School Counselor Associates, kailangan ang isang kandidato ay mayroong Bachelor’s Degree in Guidance and Counseling o Psychology, o anumang Bachelor’s Degree na hindi bababa sa 18 units sa alinman sa dalawang larang.

Maaari rin maging kalipikado ang mga nagtapos sa related degree programs kung nakatapos sila nang hindi bababa sa 18 units ng Behavioral Science, kabilang ang 200 oras ng supervised practicum o internship sa guidance and counseling, lalo na sa mga paaralan o komunidad. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

QCPD Oplan Bisita Eskwela

QCPD Oplan Bisita Eskwela, pinalawig pa para sa kaligtasan ng mga mag-aaral

PINALAWIG pa ng Quezon City Police District (QCPD) ang ipinaiiral nitong programang “Oplan Bisita Eskuwela” …

san juan city

Wattah Wattah Festival 2026 matagumpay na naipagdiwang

MASAYA at walang aberya ang naganap na kapistahan ng San Juan City local government unit …

human trafficking

Human trafficking vs ex-congressman ihahain ng NBI

HANDA na ang National Bureau of Investigation (NBI) para sampahan ng kasong human trafficking ng …

Rene Baterbonia

Rene Baterbonia inihimlay sa kanyang lupang tinubuan

INIHIMLAY sa kanyang huling hantungan si Ateneo varsity player Rene Clert “Bobet” Baterbonia sa isang …

PNP CIDG AdMU Ateneo Rene Baterbonia Divine Adili

Kaso vs 10-11 AdMU staff ikinakasa na ng PNP

HINDI bababa sa 10 hanggang 11 empleyado ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang sasampahan …