Monday , June 15 2026
Reina Castillo

Reina Castillo, sumabak bilang sexy content creator

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUMUSUBOK ngayon si Reina Castillo para maging isang full-time  content creator. Ayon sa sexy actress, mga sexy ang content niya dahil ito naman ang image niya sa mundo ng showbiz. 

Pahayag niya sa amin, “Sinusubukan ko pong maging full-time content creator as of now, but babalik din po ako sa showbiz.”

Laki sa hirap si Reina kaya todo-kayod siya para sa inaaasam niyang ginhawa sa buhay.

Pagbabalik-tanaw ni Reina, “Bale, 2020 pa lang po nag-message na sa akin ang manager kong si Mami Jojo Veloso, kaso hindi ko pa po afford pumuntang Manila since taga-province of Talavera, Nueva Ecija po ako.

“Hanggang dumating ‘yung taong 2022, naglayas po ako, nagkaroon ng trabaho at nakaluwas na rin po ako ng Manila. Then, naglakas loob akong i-chat si Mami Jojo, laking tuwa ko nang nag-reply po siya hanggang nakapasok po ako sa showbiz.

“Hindi pa rin po ako makapaniwala sa lahat, ang laki ng utang na loob ko po kay Mami Jojo at siyempre po, sa Panginoon at malaking pasasalamat ko po ito.”

Ilan sa pelikulang nagawa niya ay ang “Wanted:

Girlfriend”, “Barurot”, at “Kapag Tumayo Ang Testigo”.

Gaano kahirap ang magpa-sexy sa pelikula?

Esplika ni Reina, “For me hindi naman po madali ito, sa totoo lang, lakasan lang talaga ng loob… ang mahalaga ay mahalin lang po ang ginagawa para mas gumaan lalo ang trabaho. Mahalaga po kasi sa akin ang trabaho, e. 

“Sa akin po kasi, bale, totally po hindi mo po mararamdaman ‘yung hirap kung alam mo naman pong mahal mo ang ginagawa mo at masaya ka sa kung anoman ang ginagawa mo.”

Anyway, desidido si Reina na maabot ang pangarap niyang tagumpay. At sa kanyang ganda at kaseksihan, plus sa taglay niyang lakas ng loob at determinasyon, hindi imposibleng makamit niya ang pangarap niyang ito sa buhay.

Goodluck sa iyo, Reina!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Metropop winners Stars Reignited

Tickets sa concert ng Metropop winners mabenta

MATABILni John Fontanilla MALAPIT nang ma-sold-out ang tickets sa muling pagsasama-sama sa isang konsiyerto ng …

Gary V  Rene Baterbonia Divine Adili

Gary Valenciano nakiramay sa 2 Ateneo athletes

MATABILni John Fontanilla ISA si Gary Valenciano sa nagluluksa sa pagkamatay ng dalawang Ateneo de Manila University …

Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PAni Rommel Placente NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, …

Shalanie de Vera Latina Athena Red

VMX star Shalanie de Vera mahilig makipag-usap sa strangers

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWA na namang siguradong aabangan ng mga suki ng VMX ang inihahatag ng Viva. …

Jenn Rosa Helena

Jenn Rosa nag-aral kaya nawala sa VMX

I-FLEXni Jun Nardo ALMOST one year palang natigil sa paggawa ng VMX movies ang sexy star na …