ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MAGSISIMULA na ngayong June 13 ang health advocacy show na “Itanong Natin Kay Dok Larry.” Tampok dito si Dr. Lawrence Nubla Sembrano, na siyang gaganap bilang Doc Larry.
Kaabang-abang ang show na ito na isang informative series na tatalakay sa usaping pangkalusugan na mapapanood sa Facebook, YouTube, at TikTok. Mula sa pamamahala ni Direk Roman Perez Jr., mapapanood na ito sa June 13, 4pm.
Si Doc Larry ang President at CEO ng Our Lady of Grace Hospital, Inc. na isang family medicine doctor.
Hindi na bago kay Doc Larry ang paglabas sa TV dahil nakalabas na rin siya sa “Wagas,” “Dear Uge,” at lately sa “Batang Quiapo” ni Coco Martin. Siyempre, ang papel niya sa mga paglabas dito ay bilang isang doctor din.
Nagkuwento siya sa kanilang show, “Isa itong medical series narrative, it’s a medical advocacy… na ginawan ng narrative nina Direk (Roman), para mas maka-connect sa mga common people.
“Kasi kung masyado tayong technical, baka hindi masyadong maano ng mga tao… ang mapapanood dito ay parang real life scenarios, tapos in-inject-an natin ng mga misconceptions about health, etcetera.”
Nabanggit ni Doc Larry na may mga time raw na nag-eextra siya sa kanilang hospital kapag may mga taping rito, one time raw ay nagka-usap sila ni direk Roman. Dito raw nabuo ang concept ng kanilang show at naisip nilang gawing light o may halong comedy ang presentation nito sa viewers.
Aniya, “So iyon nga, ginawan nila ng concept at nagustuhan namin, maganda ang lumabas. Sabi ko, ‘Parang wala pa yatang gumagawa niyon.’ Iyong may kuwento, kasi iyong iba ay technical lang, iyong iba may kuwento. Kaya sabi ko, ‘Sige tayaan natin.’
“So ang ginawa nila, ako iyong doctor from the narrative, pero iyong mga colleagues ko from the hospital will explain more about … halimbawa ay dengue, leptospirosis. Bale, in-interview sila at the end of the episode para ma-clarify kung ano iyong mga misconceptions, kung ano iyong topic, at iyong mga tanong ng masa.”
Kabilang ito sa advocacy ni Doc Larry, “I want to leave a legacy kasi sa community, sa Filipino people, that will last.”
Ayon pa kay Doc Larry, gusto raw sana ni Direk Roman na sa mainstream sila mapanood para mas maging malawak ang audience reach nito, subalit mataas ang budget na kailangan dito.
Si Doc Larry ay mula sa pamilya ng mga doktor. Ang kanyang dad ay si Dr. Pedro V. Sembrano, na unang director and founder ng Institute of Othopedics and Sports Medicine sa St. Lukes Medical Center QC; ang kanyang mother naman ay si Dr. Lourdes N. Sembrano, isang anesthesiologist na nag-train sa Georgetown University Medical Center; ang brother naman niyang si Dr. Jonathan N. Sembrano, ay nakakuha ng 6th place sa physicians licensure examinations noong 1998 at isa itong spine surgeoan sa The University of Minnesota.
Ang isa pa niyang kapatid na si Dr. Roderick N. Sembrano, ay isang Rehabilitation Medicine Specialist na naka-base sa Boston, Massachusettes, at ang lolo naman niyang si Dr. Tristan L. Nubla ay ang founder of Our Lady of Grace Hospital, Inc., Caloocan.
Anyway, bukod kina Doc Larry at Divine Villareal, kasama rin sa cast ng Itanong Natin Kay Dok Larry, sina Tabs Sumulong at Enki Gray.
Para makasunod sa mga updates sa naturang programa, maaaring mag-follow sa kanilang Facebook account sa link na: https://www.facebook.com/share/14ebuB2BXz6/
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com