Friday , June 12 2026
Sue Ramirez Rico Blanco Project Baby

Sue at Rico pak na pak sa Project Baby

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANOOD na namin ang pelikulang Project Baby na pinagbibidahan nina Sue Ramirez at Rico Blanco, mula sa Regal Entertainment, sa ginanap na grand premier night nito noong Martes ng gabi.

Nagustuhan namin ng bonggang-bongga ang pelikula. 

Tungkol ito sa isang dalaga na si Sandy (Sue)na gustong magkaanak ng walang asawa. Kumbaga magpapaanak lang sa lalaking kahit hindi niya mahal. Makikipag -sex siya rito hanggang mabuntis at magka -baby.

Naghanap siya ng lalaking magiging tatay ng anak niya. At si Rico (Migo) ang nahanap niya.

Pero na-inlove ito sa kanya. And eventually ay natutunan  na rin niyang mahalin.

Nagkakaisa ang audience sa pagsasabing pak na pak kina Sue at Rico ang movie na nabigyan nila ng hustisya at saktong-saktong flavor ang kanilang mga karakter.

Sa Project Baby, muling ipinamalas ni Sue ang husay niya sa drama. Pero napatunayan niya rin sa pelikulang ito, na carry niya rin ang magpatawa.

Sabi nga ng direktor nila na si Eric Quizon, may ibubuga rin pala sa comedy ang dyowa ni Dominic Roque, na present sa grand premier night para suportahan si Sue.

Showing na ang Project Baby sa mga sinehan nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

Belle at Donny tagumpay sa pagtawid mula romcom sa certified dramatic actors 

MARAMI ang humanga sa todo-bigay at itinuturing na matured role nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang Tayo Sa Wakas. Mula …