MARAMI ang humanga sa todo-bigay at itinuturing na matured role nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, ang Tayo Sa Wakas. Mula sa pagpapa-cute nakatawid ang dalawa sa pagiging tunay na aktor.
Nag-reflect ang loveteam sa kanilang transition mula romcom stars hanggang maging certified dramatic actors kasunod ng highly anticipated run ng kanilang movie, Tayo sa Wakas. Pareho nilang inamin na mas nangingibabaw ang naging challenge at growth sa pag-evolve ng kanilang perspective sa pag-ibig para sa bagong movie na ito.
“I feel like this is a different version of Donny and I. Sobrang challenging but I love the experience. And you know by doing Cheska and the whole ‘Tayo sa Wakas,’ I learned so much. My principles about love, my beliefs about love, it really evolved.” sabi ni Belle nang sumalang sila sa Star Magic Spotlight Press Conference noong June 6, 2026 sa Dolphy Theatre, ABS-CBN.
Sabi naman ni Donny, “Ito parang, may agreement kami na ibigay talaga natin lahat dito. This is also our love letter to our supporters, but not just our supporters, to everyone. The whole generation, sa lahat ng taong gusto ng hope and gustong magkaroon ng ganitong klaseng relasyon, or learnings about how they want to enter into a relationship in the future.”
Nang tanungin naman sila tungkol sa pinakaprominenteng feeling habang nagsu-shoot ng Tayo sa Wakas, highlight ng dalawang stars ang bittersweet side ng unconditional love.
“Maybe just the love,” sabi ni Belle. “Ramdam na ramdam mo ‘yung pagmamahahal ng dalawang characters sa isa’t isa. Unconditional love.”
“Kaya rin medyo masakit, kasi alam mong mahal na mahal nila ‘yung isa’t isa, pero hindi ibig sabihin na matutupad ang pangarap nila together all the time,” dagdag ni Donny. “You could still love someone and let go.”
Bukod sa mabibigat na tema ng kanilang bagong film, natalakay din sa press conference ang evolution ng DonBelle legacy at ang realidad ng pagtanggap ng solo projects habang nasa love team.
Nagbigay si Donny ng isang insightful at grounded na perspective kung paanong ang personal growth at individuality ay nakatutulong para maging mas matatag ang kanilang bond.
“Just because hindi na kayo love team for the time being, it doesn’t mean nawawala na ‘rin ‘yung suporta niyo sa isa’t isa. Everlasting support, and you will always have a teammate in each other,” paliwanag ni Donny, na sinang-ayunan din ni Belle.
Umaasa siyang magsisilbing magandang blueprint ang journey nila para sa next generation of artists na sasabak sa mga love team.
“Even love teams coming up that will probably look at the situation, and we want them to know that it’s okay to do other things too, you know?
‘Life shouldn’t revolve around both of you just doing the same thing over and over again. There’s so much more to that and it can be healthy if done right, if communicated the right way. As long as you have a great support system and a God who will give you your purpose, then it’s going to be okay. Not saying it’s going to be easy, but it’s going to be okay,” sabi pa ng aktor.
Dahil sa kanilang undeniable chemistry, lakas ng loob na sumubok ng kakaibang cinematic risks, at mature na outlook sa career, patuloy na pinatutunayan nina Donny at Belle kung bakit sila nananatiling isang defining force sa Philippine entertainment.
Damhin ang love, loss, and healing sa Tayo sa Wakas, showing pa rin sa mga sinehan nationwide. (MValdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com