Friday , June 12 2026
Zhang Yingfei Linda Walker

Chinese actress Zhang Yingfei o Linda Walker nakiramay sa mga biktima ng lindol

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IPINAABOT ng Chinese actress na si Zhang Yingfei o mas kilala sa pagganap bilang Linda Walker sa micro-drama, The Heiress Who Won with Brains ang pakikiramay sa mga biktima ng 7.8lindol sa Mindanao.

Sa isinagawang welcome presscon ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) sa Luxent Hotel kahapon para sa 22-year-old online superstar ipinaabot nito ang mensahe ng pakikiramay.

Aniya, nakita niya sa balita ang grabeng nangyari sa mga naapektuhan ng lindol kaya naman nagpapaabot siya ng pakikiramay sa mga biktima.

I heard about the devastating news of the earthquake in Mindanao. I wanted to express my deepest condolences to the people affected by it.

“But also want to send the message that these disasters really happen.

“As humans, we should continue to stay strong. These are all natural disasters.

“We should always believe that there is still a better tomorrow,” pahayag ng Chinese actress sa pamamagitan ng kanyang interpreter.

Kasamang humarap sa media ni Zhang Yingfei sina Jeffrey Ng, FFCCCII executive vice president, Wilson Lee Flores, FFCCCII board member at public information committee chairman, Peter Mangasing, youth committee chairman, atbp..

Ayon kay Wilson, punompuno ang schedule ni Yingfei. Katunayan, bago ito nagtungo sa presscon sa Luxent Hotel kahapon umapir ito sa Unang Hirit gayundin sa It’s Showtime na kinantahan siya ni Kim Chiu ng Chinese version ng birthday song dahil kaarawan nito sa June 13.

Noong June 7 dumating si Yingfei at magtatagal siya sa bansa hanggang June 11 bilang parte ng Education for a Better Future advocacy drive ng FFCCCII.

Layunin ng FFCCCII na bigyang halaga ang edukasyon, disiplina, at tiyaga sa kabataang Pinoy sa pamamagitan ng pagbisita ni Yingfei.

Noong Linggo, naag-courtesy call ang Chinese actress kay Manila Mayor Isko Moreno, nag-ikot sa Intramuros at Binondo at nanguna sa outreach program kasama sina Education Secretary Sonny Angara, QC Mayor Joy Belmonte, China Ambassador Jing Quan at ilang opisyales ng FFCCCII.

At kahapon pagkatapos ng mediacon, sunod-sunod ang mga isinagawang interbyu kay Linda Walker nina Jessica Soho, Boy Abunda at iba pa.

Bagamat halos walang tulog at pahinga sa higpit ng schedule, masayang-masaya si Yingfei sa mainit na pagtanggap ng Pinoy fans sa kanya.

Ang FFCCCII, sa ilalim ng pamumuno ng presidente nitong si Victor Lim, ay may mahaba nang track record sa pagsasagawa ng iba’t ibang educational at civic initiatives kabilang na ang pagtatayo ng rural school buildings, disaster relief at community support programs.

Samantala, natawa naman si Yingfei nang matanong ukol sa paniwala ng ibang Pinoy na AI lamang ang karakter niya sa naturang micro-drama.

Wika ni Yingfei, “I am an actress from China, Zhang Yingfei. I also starred in many short dramas.

“I invite you all to please see that so you’d know that I am not an AI. And I am a breathing, living human being.”

Sinabi rin ni Yingfei na handa siyang magkaroon ng mga acting assignment sa Pilipinas sakaling alukin siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Jos Garcia Nolo Lopez

Jos Garcia and Nolo Lopez nominado sa 17th Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla NAGPAPASALAMAT ang Pinay international singer na nakabase na sa Japan na si Jos …

Ryzza Mae Dizon Toni TalksToni Gonzaga

Ryza Mae Dizon thankful sa TVJ

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL na ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon sa interview nito sa Toni Talks ni Toni …

Claudine Barretto Dolphy Home Along Da Riles

Claudine ramdam na kasamang nanonood si Dolphy 

MA at PAni Rommel Placente LAST week ay nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home Along …

Aiko Melendez Andre Yllana

Andre gusto nang bumukod kay Aiko

MA at PAni Rommel Placente DUMATING pala sa puntong nagtampo kay Aiko Melendez ang anak niyang si Andre …

Sue Ramirez

Sue malaki ang impluwensiya ng Project Baby sa kanyang growth bilang babae 

BIDA ang Star Magic actress na si Sue Ramirez sa naganap na Star Magic Press Conference noong June 6, 2026, sa …