Tuesday , June 9 2026
Malolos Bulacan PNP police

Sa Malolos, Bulacan
Most wanted carnapper nakorner

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang indibiduwal na nakatala bilang most wanted person nang isilbi sa kaniya ang warrant of arrest sa Barangay Bulihan, Lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 7 Hunyo.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Col. Rommel Geneblazo, hepe ng Malolos CPS, kinilala ang naarestong suspek na isang 40-anyos negosyante at residente sa nabanggit na barangay.

Dinakip ang suspek ng tracker team ng Malolos CPS sa bisa ng dalawang magkahiwalay na warrant of arrest para sa mga kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

Ang unang warrant ay may kaugnayan sa Criminal Case No. R-QZN-22-01770-CR na inisyu ni Presiding Judge Maria Gilda T. Loja-Pangilinan ng Quezon City RTC Branch 230; habang ang ikalawang warrant ay may kaugnayan sa Criminal Case No. 22-78476 na inisyu ni Presiding Judge Rey Ranoco Lor ng Antipolo City, Rizal RTC Branch 138.

Dinala ang suspek sa Malolos CPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Pahayag ni P/Col. Jay Baybayan, Officer-In-Charge ng Bulacan PPO, patuloy nilang paiigtingin ang operasyon laban sa mga most wanted person upang matiyak na mananagot sa batas ang mga indibidwal na may kinahaharap na kaso. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

MTRCB

MTRCB nakatanggap ng ika-pitong magkasunod na Unmodified Opinion mula COA

HARD TALKni Pilar Mateo MULING kinilala ng Commission on Audit (COA) ang mahusay na pamamahalang pampinansiyal ng Movie …

Northern Police District, NPD

1,279 pulis ng NPD kasado na sa pagbubukas ng klase

KASADO na ang pulisya ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CaMaNaVa) na nasasakupan ng Northern …

Arrest Posas Handcuff

Lolo huli sa rape

ARESTADO ang 61-anyos lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad …

DepEd Students

DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskuwela ngayon

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskuwela ngayong Lunes, 8 Hunyo, para sa School Year …

Pinoy Bugsy Ceferino Perry Mariano

Suspects, anim lahat
UTAK, GUNMAN NA PUMASLANG SA PINOY BUGSY TUKOY NA NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN TINIYAK ng Quezon City Police District (QCPD) na hawak na ng pulisya …