MATABIL
ni John Fontanilla
PANGARAP makasama ng PPop Boygroup na Bilib kapag nagkaroon sila ng concert ay si Gary Valenciano.
Bukod kasi sa napakahusay kumanta ni Gary, napakagaling din nitong sumayaw. Total performer ‘ika nga.
Sa loob na tatlong taon ng grupo, super happy sila sa takbo ng kanilang career sa pangangalaga ng AQ Prime Music.
Nagpapasalamat ang grupo sa kanilang management, ang AQ Prime Music gayundin kina Atty. Aldwin Alegre, Atty. Melanie Honey Quin̈o at RS Francisco.
Happy din ang grupo sa nominasyong nakuha nila sa 17th Star Awards for Music na nominado ang kanilang awiting Say Whatcha Wanna Say for Dance Recording of the Year.
Ang maging nominado kasama ang iba pang mahuhusay na singers na sina Dia Mate, Alamat , G22, BGYO, Janna Zaplan, at BINI ay isang malaking karangalan para sa Bilib. Malaking bonus na kung sila ang magwawagi.
Ang BILIB ay binibuo nina JMac, RC, Rafael, Zio, Carlo, at Clyde.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com