Monday , June 8 2026
Arrest Posas Handcuff

Lolo huli sa rape

ARESTADO ang 61-anyos lolo na wanted sa kaso ng panggagahasa sa isang menor de edad matapos ang isinagawang manhunt operation ng Caloocan City Police.

Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth, nakatala bilang No. 7 sa top ten most wanted persons sa Regional Level, No. 3 sa District Level, at No. 1 naman sa Station Level ang akusado na isang helper at residente sa Barangay 106.

Sa report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, sinabi ni Col. Goforth na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Kaya agad ikinasa ng pinagsamang operatiba ng Caloocan Police Intelligence Section, Investigation and Detective Management Section, Warrant and Subpoena Section, Women and Children Protection Desk, Regional Intelligence Division, at NDIT-RIU NCR ang manhunt operation hanggang mahuli ang senior citizen malapit sa kanilang lugar.

Hindi pumalag ang matanda nang ipakita sa kanya ang multiple warrants of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 130, Caloocan City, para sa dalawang bilang ng Rape, Acts of Lasciviousness, at Lascivious Conduct in relation to Section 5(b) of R.A. 7610.

Pansamantalang nakakulong ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Caloocan CPS habang hinihintay ang utos ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail. (VICK AQUINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vick Aquino

Check Also

Robin Padilla Bad Boy 3

Bad Boy 3 ni Robin kontrobersiyal

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAROON ng special preview screening kahapon ang pelikulang ginawa ni Senator Robin Padilla na Bad …

Heart Evangelista Chiz Escudero Senate

Heart tahimik sa paglipat ni Chiz sa minorya

I-FLEXni Jun Nardo BIGO kaming makakita ng post sa socmed ni Heart Evangelista bilang reaksiyon sa lipat-minority …

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Kiko Dee Alan Cayetano Robin Padilla Mao Aplasca

Cayetano, Padilla, Aplasca inireklamo ng Obstruction of Justice sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamong Obstruction of Justice sa Office of the Ombudsman ang grupong Tindig Pilipinas …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – Cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …