HARD TALK
ni Pilar Mateo
ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha Ponti?
Natawa ako ang daming miron. Simple lang naman ang ibig sabihin niyon. Kung ano ang may taglay siya na kanya lang at walang iba o sinumang pwedeng umangkin.
Sa Ingles-innate, natural, inherent.
Isip muna siya. Ang pagiging simple raw niya.
Ang titulo ng kanyang album na naglalaman ng sampu na namang piyesa na siya ang sumulat ay nilagyan ng ibig sabihin ang bawat letra.
L-onging. I-llusion. K-indness. A-cceptance. S-elf Love.
Sa edad niyang 19 (sa Hunyo 20 siya magbe-20) naka-29 na komposisyon na si Isha.
Isa pa itong wala ka ring itulak-kabigin sa mga komposisyong para lang tumutudla sa hangin ng mga salita.
Oo naman. Karamihan ay may kinalaman sa pinagdaanan ng puso niyang nasawi.
At bago itong Likas album niya, ipinarinig niyang muli ang naunang kanta, Dyahe at ang kasama sa 10-tracks na Bakas.
Ang iba pang awit na kumurot sa puso ng kinikilala na ngayong Asia’s Pop Sweetheart ay ang Kabanata, Hinga, Numero, Darating, Halika, Warmth, Gulong, Riversky, at Mismo.
Na mapakikinggan lahat sa Viva Café sa June 20, 2026. Looking brighter in her 20/20 vision of the future. Beinte sa a-beinte! Perfect!
Idolo ni Isha si Sarah Geronimo. Kaya wala namang dapat na maging isyu kung may nagbigay ng salitang pop sa kanyang titulo. Nais din niyang maka-collab sina Maki at Yeng Constantino.
Hindi pinababayaan ni Isha ang pag-aaral sa Enderun. Kaya lahat ay iniaayon sa kanyang kakayaning schedule.
Her Ponti Entertainment Production is behind all her endeavors.
Nagawaran na siya ng award for Best New Female Artist back in 2024 ng Aliw!
At marami na ring OPM icons natin ang nakahati niya sa entablado.
Puso ang puhunan. Ang karanasan. Ang mga dinamdam. Mas marami man ang sakit, ‘di naman ibig sabihin na ipininid na niya ito at kinalimutan.
Sa ngayon, may mas mahalaga pa sa pansariling pangangailangan. At alam niyang Panginoon ang gagabay sa kanya.
Mas marami pang LIKAS sa kanya!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com