MATABIL
ni John Fontanilla
ISA sa pangarap ni Poppert Bernadas ang maging part ng sikat na stage musical play na Miss Saigon.
Maraming Pinoy ang naging part ng Miss Saigon tulad nina Lea Salonga, Aicelle Santos, Gerald Santos, Isay Alvarez, Monique Wilson, Rachelle Ann Go at marami pang iba.
Nagpasa na ng audition video si Poppert sa producer ng Miss Saigon at maganda naman ang feedback.
Umaasa ang singer-songwriter-actor, original member ng multi-awarded vocal group, The Ryan Cayabyab Singers na makuha siya at maging parte ng Miss Saigon sa 2027.
