
ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum sa pamamagitan ng pinakamalaki at pinakamaingay na konsiyerto ng taon, na nakatakdang ipagmalaki ng lahat sa Hulyo 11, 2026.
Higit pa sa isang engrandeng pagtatanghal ng musika, naging pangunahing retailtainment platform na ng Puregold ang OPM Con, na nagpapatibay sa gampanin nito bilang nangunguna sa pagsulong ng pagsasanib ng retail, entertainment, at kulturang pang-fandom ng mga Filipino. Sa paglipas ng taon, natagpuan ng mga Filipino ang kanilang tinig sa musika—sa mga kantang kanilang kinalakihan, mga linyang ibinabahagi online, mga awiting sinasabayan ng buong sigla sa mga konsiyerto, at mga fandomna nagiging parang pamilya dahil sa pagmamahal nila sa kanilang mga paboritong talento.
Matapos ang dalawang magkasunod na taon ng sold-out na mga konsiyerto at mga viral na sandali ng mga tagahanga—kasabay ng pag-aabang ng buong bansa—nagbabalik ang isa sa pinakahihintay na music events ng taon. Tinatawag na OPM Con Generations, pagsasama-samahin nito ang ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya para sa isang gabi ng pagdiriwang ng patuloy na pag-usbong ng musikang Filipino at mga komunidad na nabuo dahil dito.
Kabilang sa mga tampok na artista ang kinikilalang folk-pop band na Ben&Ben at ang sumisikat na P-Pop group na Alamat, na hindi lamang magtatanghal kundi magsisilbi rin bilang dalawa sa mga pinakabagong brand ambassadors ng Puregold—isang makabuluhang kolaborasyon lalo para sa kanilang mga tapat na tagahanga na kilala bilang “Liwanag” at “Magiliw.”
Itinuturing na pinakakaabang-abang ang linya ng mga artistang tampok sa OPM Con ngayong taon: ang mga hari ng P-Pop, SB19, ang kilala sa larangab ng rap na si Flow G, paborito rin sa rap na si Skusta Clee, minamahal na bandang SunKissed Lola, at ang mga pausbong na all-female P-Pop groups, G22, KAIA, at Xonara.
Mula sa mga kapana-panabik na pagtatanghal ng P-Pop, mga kilalang kanta ng rap, mga emosyonal na awitin at viral na nangunguna sa mga tsart, ipinapangako ng OPM Con Generations ang hindi malilimutang selebrasyong tatawid ng genre, henerasyon, at fandom.
Mula sa paglulunsad nito noong 2024, mabilis na naging pinaka-inaabangang live music event ang OPM Con, at pinag-aalab nito ang damdamin ng mga tagahanga. Dagdag pa rito ang mekanismo ng pagkuha ng tiket, na nagiging bahagi rin ng karanasan ng mga tagahanga ang pamimili sa groseri.
“May natatanging kakayahan ang musika na pag-isahin ang mga tao, anuman ang kanilang henerasyon o paboritong genre,” ani ni Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold Price Club Inc. “Sa pamamagitan ng ‘OPM Con Generations,’ umaasa ang Puregold na makalikha ng espasyo na maaaring magtipon, makipag-ugnayan, at sama-samang ipagdiwang ng aming mga tapat na customer at tagahanga ang sining at kulturang Filipino.”
Opisyal na magsisimula ang ticket redemption para sa OPM Con Generations sa Hunyo 12 sa 12 piling Puregold stores sa buong bansa: Taytay, Rizal; Biñan, Laguna; Anabu-Imus, Cavite; Valenzuela; QI Central, Quezon City; Cubao, Quezon City; Fairview Terraces, Quezon City; Tayuman, Tondo, Maynila; Sucat, Parañaque; Kalentong, San Andres, Maynila; Sto. Domingo Cainta Junction, Rizal; at San Pedro, Laguna.
Maaaring makakuha ng libreng concert tickets ang mga miyembro ng Aling Puring at Perks sa pamamagitan ng kwalipikadong single-receipt grocery purchases sa mga kalahok na tindahan. Kabilang sa mga ticket tier ang VIP Standing para sa minimum purchase na P8,500, Patron para sa P7,000, Lower Box para sa P5,500, Upper Box para sa P4,000, General Admission para sa P2,500, at Obstructed Upper Box at Obstructed General Admission para sa P1,500.
Para naman sa mga customer mula sa mga probinsiya, maglulunsad din ang Puregold ng limitadong inisyatibong Regional Fan Pass upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang mga tagahanga sa labas ng Metro Manila na makapagparehistro at makakuha ng mga tiket habang may suplay pa.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com