Saturday , June 20 2026
Phoebe Walker Rico Robles

Phoebe Walker, enjoy sumabak sa kontrabida role

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong series si Phoebe Walker, ito ang nalaman namin nang kamustahin namin siya recently. 

Tugon niya sa amin, “Okay naman po, busy sa hosting and may series po ako sa Viva Movie Box, ito po ang ‘The Borrowed Life,’ kasama sina Ella Cruz and Nikko Natividad.”

Ano ang tema nito at ano ang role niya sa serye? 

Esplika ni Phoebe, “Fantasy Rom/Com po ito, kontrabida po ako here nina Ella and Nikko, hehehe.”

Aminado rin siya na nag-e-enjoy matokahan ng kontrabida role.

Aniya, “Honestly, enjoy ako talaga sa kontrabida role, but of course at the end of the day the audience will not root for you.

“I look forward to the time wherein audiences will root for me naman. Uplifting kasi siya, but nevertheless whatever the role, this industry is very rewarding. The fact that I get to still be in this industry I love, is such a blessing.”

Dagdag pa ni Phoebe, “Longevity na po ang habol ko ngayon, dahil alam ko na ang mabilis mong makuha ay mabilis din mawawala. Kaya I always love the grind. Iba talaga ang reward kapag nasa puso mo ang ginagawa mo, I will always be grateful for this.”

May peg ba siyang kontrabida?

“Peg ko si Cherie Gil, Regina George (Mean Girls played by Rachel Mcadams) – yung sosyal na kontrabida dapat, hehehe,” nakatawang sambit pa ni Phoebe.

Sino pa ang dream niyang maka-work sa showbiz and ano ang kanyang dream role?

“The greats, dami pa akong hindi nakakatrabaho and alam ko marami pa akong dapat matutunan. Dream partner ko always will be Jericho Rosales hahaha!

“Bakit siya? Ultimate crush, since Pangako Sa ‘Yo, hahaha!”

Anyway, advance congrats kina Phoebe at sa DJ na si Rico Robles sa kanilang nalalapit na beach wedding sa June 7, sa Boracay

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …