MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA ang PPop group na Blue Dreamers PH na alaga ng GMAP na pag-aari ng CEO & President nitong si MJ Gutierez dahil pumapalo na sa mga radio station ang kanilang 1st single na Lowkey Tayo under Artist Central Music.
Halos wala pa itong isang buwan sa programang Banana Krew ng 92.3 FM ay pumasok na ito sa number 4 at ngayon nga ay number 1 na sa kanilang Daily Top 10.
Kaya naman mas inspirado ang grupo na mas i-promote pa ang kanilang kanta para pumasok din sa top spot ng daily top 10 ng iba’t ibang radio stations.
Hinangaan din ang grupo sa husay ng kanilang performance sa katatapos na Yakap ni Bunso ni Mygz Molino, na isa sila sa espesyal na panauhin.
Ang Blue Dreamers PH ay binubuo nina Jarred Salvador, Zhian Mendaza, Shayne Monreal, Jairex Tan, at Xanxan Tan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com