MATABIL
ni John Fontanilla
IKINASAL na ang Sparkle artist at nakababatang kapatid ni Ruru Madrid na si Rere at basketball star Kai Sotto.
Naganap ang pag-iisang dibdib nina Rere at Kai sa isang intimate garden ceremony sa Neri’s Secret Garden, Alfonso, Cavite, noong May 27, 2026.
Si Mayor Randy Salamat ang nag-officiate ng garden wedding ng aktres at basketball star.
Sinaksihan ng pamilya nina Rere at Kai ang kanilang kasal. Dumalo ang Kapuso Star at kapatid ni Rere na si Ruru kasama ang girlfriend nitong si Bianca Umali at iba pa nilang kamag-anak at malalapit na kaibigan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com