Friday , June 19 2026
Max Pasion

Teen actor Max simple ang 18th birthday

MATABIL
ni John Fontanilla

NAGDIWANG ng kanyang ika-18 kaarawan ang teen actor na si Max Pasion kamakailan.

Simple lang ang naging selebrasyon nito kasama ang mga kaibigan at pamilya.

Ayon kay Max, “Simple but memorable at punompuno ng pagmamahal ang

naging celebration ng birthday ko kasi kasama ko ang pamilya at mga kaibigan ko.

“Nagsalo-salo po kami (boodle fight), sa akin okey na po ‘yun, sobrang saya ko na po ng ganion.

“’Di naman po kailangan ng bonggang celebration, lalo’t mahirap ngayon ang buhay, basta kasama ang mga mahal sa buhay at kaibigan okey na ‘yun sa akin.”

Wish nito sa kanyang kaarawan ang magkaroon siya at ang kanyang pamilya ng good health at maging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career.

” Wish ko po, ‘yung wish din ng marami para sa kanyang sarili at para sa kanyang pamilya, ang magkaroon ng good health.

“Pangalawa para sa career ko, sana maging successful po ako  at sana magkasunod-sunod ang mga proyekto kong gagawin ngayong taon sa tulong ni Lord.

“Pangatlo, wish ko na makatrabaho ang mga hinahangaan at iniidolo ko sa showbiz na sina Caprice (Cayetano) at Joshua (Garcia). “

Hindi  naman nagmamadaling sumikat si Max, pagtatrabahuhan niya ito hangang makamit ang kasikatang pinapangarap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …