Friday , June 19 2026
Coco Martin Julia Montes

Coco puring-puri pag-aasikaso ni Julia mula pagkagising hanggang pag-uwi

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINANDERA ni  Coco Martin saofficial YouTube account niya ang ilang detalye sa pagsasama nila ni Julia Montes.

Sabi ni Coco, “Isa rin siguro sa mga sikreto namin kung bakit kami tumagal, sabi ko nga, pribado kasi kami talaga eh, napaka-private namin as a partner at  bilang tao rin. 

“Sabi ko nga, kung ano man ‘yung ikinukuwento namin, ikinukuwento na lang namin kasi past na. Alam mo ‘yung masarap na lang balikan.”

Pagpapatuloy ng Teleserye King, “Sa amin naman ngayon, ganoon din. In all aspects talaga, si Juls lahat ang nag-aasikaso sa akin. Siya nag-aalaga sa akin. 

“Mula pagkagising hanggang pagkauwi ko, sa lahat ng kakainin ko, sa lahat ng mga damit na isusuot ko, siya talaga, siya lahat nag-aayos,” pagmamalaki pa ni Coco kay Julia.

“Kaya masarap ‘yung partnership namin dahil higit sa pagiging magkaibigan, magkarelasyon, business partners, talagang pinagtibay namin ‘yung relasyon namin. 

“Sabi ko nga, wala namang ibang magtutulungan kung hindi kami,” sabi pa niya. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …