MA at PA
ni Rommel Placente
ANG binansagang Star of the New Gen na si Jillian Ward ang isa sa bagong hurado sa The Clash Teens ng GMA 7.
Sa tanong kay Jillian kung gaano siya ka-excited sa bagong role sa kanyang career ngayon bilang isa sa hurado ng all-original Filipino singing competition, anito, “Ako, I’m very very excited talaga. First time kong magdya-judge. And ako kasi ang binabantayan ko rito kung paano nila (clashers)ie-express ang mga sarili nila. Kung paano nila gagawin ‘yung pag-i-story telling onstage.
“Ang sobrang nakae-excite kada may bagong clasher na papasok, kasi iba-iba ‘yung mga kwento na ipinakikita nila on stage.
“Ako naman, para nila akong ate. Kasi, I mean, I started very young. So alam ko ‘yung struggles ng pagiging child star tapos teen ager.
“Mostly kasi ‘di ba, kapag teen ager tayo, nandiyan ‘yung self-doubts?
“‘Yun din talaga ang maio-offer ko sa kanila, kung paano nila i-build ‘yung mga confidence nila at maging proud sila sa mga sarili nila,”aniya pa.
Samantala, dahil hindi na nga child star si Jillian, isa na siyang dalaga, ready na ba siyang magkaroon ng boyfriend?
Tugon ni Jillian, “Alam n’yo po, I think puwede naman po siguro, no? Twenty-one na po ako. Puwede na po siguro.
“Actually, ‘yung mama’t papa ko po, open na po sila. Hindi naman po ako in my 20s forever. So, gusto ko rin po ma-enjoy ‘yung pagiging young ko, ‘yung pagiging 21 ko.
“Yes! I’m open naman po na maging happy na kiligin. Sana ano…tanggapin niyo ‘yun!” ang natawang sabi pa ni Jillian.
Magsisimula na ang The Clash Teens sa June 7, Sunday, sa GMA 7, directed by Louie Ignacio and hosted by Julie Anne San Jose and Rayver Cruz.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com