
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
PINASOK ng PlayTime Entertainment, isang integrated entertainment company ang makabagong panahon ng global entertainment sa pamamagitan ng makabuluhang pakikipag-ugnayan sa Miss Grand International All Stars 2026. Tanda ito ng isang mahalagang milestone ng brand sa pangakong ipagdiwang ang mga Filipino sa pandaigdigang entablado sa pamamagitan ng world-class entertainment, empowerment, at pagpapataas ng kagandahan at kulturang tunay na ipagmamalaki.
Bilang opisyal na entertainment partner, ang PlayTime Entertainment ay maghahatid ng one-stop exclusive entertainment content at behind-the scenes ng mga sandali ng paglalakbay ng mga kandidata para makamit ang inaasam-asam na korona. Ang mga tumatangkilik ng pageant ay maaaring makapanood ng live at libre sa YouTube channel ng PlayTime Entertainment.
Isasagawa ang Preliminary Round 1: Evening Gown & Bare Face Competition sa Mayo 27; Preliminary Round 2: Swimsuit Competition sa Mayo 28; at Grand Coronation Night sa Mayo 30.
Lahat ng streams ay live at libre, eksklusibo sa YouTube channel ng PlayTime Entertainment.
Ang pagtatagpo ng world-class entertainment at global cultural representation ay patunay na isinasagawa ng PlayTime Entertainment ang pangakong iangat ang talento ng mga Filipino sa pandaigdigang entablado. Ipinagmamalaki rin ng brand na palawakin pa ang kanilang suporta sa limang Filipina na makikipagtagisan ng galing sa darating na Miss Grand International All Stars 2026, na kakatawanin nila ang kakisigan, kompiyansa, at pambansang pagmamalaki sa harap ng pandaigdigang madla.
Ang mga kinatawan ng Pilipinas sa naturang kompetisyon ay sina Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados, dating Miss Philippines Earth 2016 Imelda Schweighart, Miss International Queen 2022 Fuschia Ravena, Manila-based Brazilian-Filipino Beauty Queen Alexia Nuñez, at ang Universal Woman Arabia 2025 Keylyn Trajano. Ang bawat isang kandidata ay may pagmamalaking dala-dala ang sash ng Pilipinas na siyang sumasagisag sa kariktan, kahusayan, at pandaigdigang pagkakaiba.
“This landmark collaboration signals PlayTime Entertainment’s continued evolution as a forward-thinking entertainment brand,” ani Adela Mae Marshall, PlayTime Entertainment Spokesperson. “Beyond traditional partnerships, we aim to create meaningful engagements that seamlessly merge entertainment, empowerment, and cultural storytelling on a global scale.”

Ang ugnayan ng PlayTime Entertainment at Miss Grand International All Stars 2026 ay sumasalamin sa pananaw na muling pagtukoy sa kanilang mga karanasan sa pandaigdigang entablado habang ipinagdiriwang ang kompiyanss, pagkakaiba-iba, at kulturang tunay na ipinagmamalaki sa pandaigdigang tanghalan.
Ang pagsasama-sama ng mga natatanging kababaihan mula sa buong mundo, ang kanilang pagtutulungan ay magbibigay ningning sa mga indibidwal na nagpakita ng kahusayan at namumukod-tangi sa kani-kanilang larangan, ay magsisilbing inspirasyon sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang mga tagumpay, layunin, at natatanging paglalakbay.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com