RATED R
ni Rommel Gonzales
NAIIBA ang pelikulang Andoy na pinagbibidahan ni Cedrick Juan.
Si Cedrick ay si Andoy na isang clown na nagpe-perform sa mga party.
Pero may pasabog na twist ang karakter na ito na buong husay na naitawid ni Cedrick.
Aktres na aktres sa pelikula si Jennica Garcia, mana talaga sa ina niyang mahusay din, si Jean Garcia.
Si Jennica ay si Shirley sa pelikula na anak ng isang congressman, played by Vic Romano, na may twist din ang personalidad na may konek kay Johnson, played by VMX male star Victor ‘VR’ Relosa.
Mga bida rin sa pelikula sina Albie Casino (as Marco), Paolo Gumabao (as Nico), Aya Fernandez (as Jen), Angelica Lao (as Mia), at Harly Daria (as Toby).
Isang psychological thriller film, palabas ang Andoy sa mga sinehan sa November 18.
Mula ito sa Wonderlast Films, sa panulat at direksiyon ni Mark Putian na siya ring CEO ng film company.
