HARD TALK
ni Pilar Mateo
KAILAN ba masasabing huli na ang lahat?
Hindi naniwala riyan ang flutist na si Jong Cuenco
Sa kabila ng pagpasok nito sa mundo ng pelikula at telebisyon, hindi pa rin nawala sa puso niya ang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at magkamit ng diploma sa kursong may kinalaman sa musika.
Kaya naman sa edad niyang 61, ipinagmamalaki ni Jong na sa pagkakataong ito ay lumakad pa rin siya sa entalado ng St. Paul Manila to receive the confirmation that yes, those years have paid off.
Sa pagsusunog niya ng kilay para sa isang propesyong itinangi niya sa kabila ng pagtutol ng magulang, na siyang unang naging alagad ng sining sa musika.
Ang itinanghal na National Artist sa Musika. Posthumous. In 1999. Ang Senior niya. Si Ernani Cuenco.
Bago pa ang lahat nang pinasok niya ang pag-aartista, naging vocal coach siya at naging back-up singer pa ni Randy Santiago.
Naniwala ang OctoArts International. Five albums as a flutist. One gold. But in spite of all that, “I still had these things at the back of my head, I had to fulfill and keep my promise to my father. Ang makatapos.
“So, I took this journey of completing my degree. I heard of ETEEAP (stands for the Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation). Kaya I mentioned my age. As long as you have the desire, the challenge of completing a degree is there.”
Nag-research sa internet about it, dahil may ilan na rin siyang kakilala na kumuha nito. Most schools had it but unfortunately, walang course on Music. Hanggang nasabi ng bestfriend niya na may ino-offer sa St. Paul, Manila.
Natulungan si Jong para mapasukan ang hinahanap niya at gustong kunin. Do-able ‘ika nga. Nagtiyaga.
Nag-klase. Nag-leksiyon.
And to complete it, he performed in a graduation recital last March 2026. In partial fulfillment of the requirements needed to graduate with a degree in Bachelor of Music in Performance Major in Flute. He got the nod!
Na-fulfill ang kahilingan ng ama.
Completed promise. Completed degree.
Hindi pa nga huli ang lahat. Dahil alam ni Jong na hindi man niya kapiling na ang mga magulang, sa puso niya alam niyang nakangiti sila sa narating niya ngayon.
A Cuenco. ‘Yun pa lang, ticket na for Jong to explore the world of music, the movies, ang TV.
That piece of paper. The diploma. Gaano man kahuli dumating. Napasakamay ni Jong sa tamang panahon.
Nothing. No one is ever late! Para sa pagkakataong ito!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com