Saturday , June 20 2026
Jerald Napoles Love Ngo

Jerald Napoles binansagang New Pogi ng Viva

I-FLEX
ni Jun Nardo

UMABOT sa 5 million views sa loob ng limang oras and trailer ng latest Viva Films offering na Love, Ngo na idinirehe ni Darryl Yap.

Bida sa movie si Jerald Napoles na binansagang New Pogi ngayon. Ikinagulat ng aktor nang bigyan siya ng solo presscon ng movie announcing ang bagong tawag sa kanya with matching videos.

Ngiti lang ang tugon ni Jerald sa katawagang ito sa kanya dahil noong bata pa siya, nakatikim ng panlalait sa hitsura  niya sa malalapit sa kanya. Pati noong baguhan siyang artista eh may pailalim na tingin sa kanya kapag sinasabi niyang stage actor siya.

Now? Hay, bidang-bida na si Jerald at kakaibang pelikula ang handog niya sa Love, Ngo. Isa siyang ngo ngo sa movie na may prosthetics pa sa bibig para magkaroon ng cleft palette.

Of course, walang intensiyong paglaruan sa movie ang mga ngongo dahil maging siya eh ayaw niyang pinagtatawanan ang mga taong may kapansanan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Cecille Bravo

Philanthropist Cecille Bravo pinarangalan bilang Outstanding Mother

MATABILni John Fontanilla ISA sanpinarangalan sa Top 20 Outstanding and Exceptional Mothers for Mother of the …

Sanya Lopez Car

Mamahaling kotse regalo ni Sanya sa sarili

MATABILni John Fontanilla ISANG mamahaling sasakyan ang regalo ni Sanya Lopez sa kanyang sarili para sa 27th …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

Sold Out! Tiket sa Puregold OPM Con Generations 2026

OPISYAL na: Sold outang Puregold OPM Con Generations 2026! Sa dami ng mga tagasuportang nag-agawan para …

Ryzza Mae Dizon Bimby Aquino

Ryzza Mae at Bimby swak na loveteam, Dabarkads kinilig, nagkagulo

MATABILni John Fontanilla MARAMI ang kinilig sa muling pagkikita ng magkaibigan, magkalaro, at nagkasama sa …

Louie Ignacio Pura Luka Vega

Direk Louie ‘di nagustuhan ginawa ni Pura Vega

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni direk Louie Ignacio ang bagong pakulo ng Drag Artist na si  Pura …