Tuesday , June 16 2026
PBA Ginebra RoS
HINAMON ni Justin Brownlee ng Ginebra ang depensa ni Christian Manaytay ng ROS sa game 2 ng semis ng PBA Commissioners Cup. Namuno si Brownlee sa panalo ng koponan. (HENRY TALAN VARGAS)

Ginebra nakalusot sa ratsada ng ROS, semis tabla na

HALOS matunaw ang malaking kalamangan ng Barangay Ginebra San Miguel pero nakaligtas pa rin kontra Rain or Shine Elasto Painters, 109-101, sa Game 2 ng Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup semifinals nitong Biyernes sa SM Mall of Asia Arena.

Tambakan na sana matapos rumatsada ang Gin Kings sa 62-40 halftime lead, pero biglang nagliyab ang Elasto Painters sa second half at nakalapit pa sa 103-99 may 32 segundo na lang sa laro.

Buti na lang at sumalaksak si Troy Rosario ng importanteng layup bago isinelyo ni RJ Abarrientos sa free throws ang panalo ng Ginebra.

Rumatsada si Justin Brownlee ng 31 puntos, 15 rebounds at walong assists para pamunuan ang Gin Kings.

Dumagdag si Abarrientos ng 25 puntos habang nagposte naman si Japeth Aguilar ng 14 puntos at 12 rebounds.

Sa panig ng ROS, nanguna si Adrian Nocum na may 20 puntos habang may tig-19 naman sina Jaylen Johnson at Jhonard Clarito.

Tabla na ngayon sa 1-1 ang serye at muling maghaharap ang dalawang koponan sa Game 3 ngayong Linggo sa MOA Arena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

PBMA 50-upper 1st conference PH Basketball Masters League aarangkada

PBMA 50-upper 1st conference
PH Basketball Masters League aarangkada

MAY bagong liga nang paglalaruan ang mga 50-above na retired pros at veteran basketball legends. …

PAI Open Water National Tryouts

Ato, Coliyat nagningning sa PAI Open Water National Tryouts

NAGPAKITANG-GILAS sina Southeast Asian Games campaigner Graziella Sophia Ato at Rio Stephen Coliyat matapos magwagi …

Kazakhstan, Vietnam AVC Cup Semifinals

Kazakhstan, Vietnam pasok sa AVC Cup Semifinals

CITY OF CANDON — Opisyal nang nakapasok sa semifinal round ng Asian Volleyball Confederation (AVC) …

Nathaniel Seiler Lauren Hoffman Jessica Laurance sa ICTSI Ph Athletics Championship

Fil-German nagningning sa debut, winasak 31-taon rekord sa 10km race walk
Seiler, Hoffman, Laurance, Cole namayagpag sa ICTSI PH Athletics Championships

CAPAS, TARLAC – Isang napakagandang pagsisimula ang ipinakita ng Fil-German race walker na si Nathaniel …

Yacine Guermali Janry Ubas ICTSI Ph Athletics Championships

Guermali namayagpag sa 5,000-m, Ubas walang kupas sa long jump sa ICTSI PH Athletics Championships

CAPAS, TARLAC – Sinamantala ng Fil-Am runner na si Yacine Guermali ang kanyang nag-iisang event …