Monday , June 22 2026
Japan B League
KABILANG sa mga guest speakers sina, (mula sa kaliwa pakanan) PBA Commissioner Willie Marcial, B.LEAGUE Executive Officer Nao Okamoto, Dwight Ramos Lavanga Hokkaido player, at SBP senior officer Ryan Gregorio sa inilunsad na B.LEAGUE Manila Games 2026 nitong Huwebes sa SM Mega Mall Fashion Hall sa Mandaluyong City. (HENRY TALAN VARGAS)

B.LEAGUE, unang overseas games gaganapin sa Pilipinas

MAGDARAOS ng kauna-unahang overseas games ang B.LEAGUE sa Pilipinas sa pamamagitan ng “B.LEAGUE Manila Games 2026” na gaganapin sa Setyembre 9 at 10, 2026 sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magtatapat sa naturang exhibition games ang LEVANGA HOKKAIDO at GUNMA CRANE THUNDERS, kung saan nakatakdang magsimula ang laban alas-7:00 ng gabi sa parehong araw.

Ayon sa Japan Professional Basketball League o B.LEAGUE, bahagi ito ng pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng liga at ika-70 taon ng diplomatikong relasyon ng Japan at Pilipinas.

Sa ilalim ng temang “TWO NATIONS, ONE BEAT,” layunin ng torneo na higit pang pagtibayin ang samahan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng basketball.

Sa mensahe ni B.LEAGUE Chairman Shinji Shimada na malaking karangalan para sa kanila na idaos ang unang overseas games sa Pilipinas, isang bansang kilala sa matinding pagmamahal sa basketball.

Binigyang-diin din nito na maraming Filipino players ang naging bahagi ng B.LEAGUE bilang Asia Special Quota players, dahilan upang lalong tumibay ang ugnayan ng Japanese at Filipino basketball communities.

Gaganapin ang event sa SM Mall of Asia Arena, na naging venue rin ng Final ng FIBA Basketball World Cup 2023.

Kabilang sa mga katuwang ng B.LEAGUE sa event ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), Philippine Basketball Association (PBA), at Embassy of Japan in the Philippines. Official partners ang mga sumusunod, Toyota Motor Philippines Corporation, JCB International Co., Ltd., Nissei Co., Ltd., Yanmar Holdings Co., Ltd., Meiji Co., Ltd. SONAK Corporation, PGA Sompo Insurance Corporation.

 Ilalabas sa Hunyo 2026 ang detalye para sa bentahan ng tickets. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

FFCCCII Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation

Filipino-Chinese Groups Unite to Deliver P11 Million in Earthquake Assistance

The Filipino-Chinese community, led by the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. …

Pag-IBIG Housing Loan 4PH

Pag-IBIG Fund offers promo home loan rates to make more homes affordable under President Marcos’ Expanded 4PH

President Ferdinand R. Marcos Jr.’s Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program continues to make …

Bringing Hope to Mindanao COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

Bringing Hope to Mindanao: COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

In the difficult days following the recent earthquake in Mindanao, COSOVA took immediate action to …

VNL USA Czechia

Sa Women’s Volleyball Nations League  
USA nagpakitang-gilas sa Pasig, Czechia tinambakan sa tatlong set

PASIG CITY — Mahigpit na pinigilan ng United States ang opensa ng Czechia upang itala …

PSAA Season Rise of Champions

PSAA Season 3: Rise of Champions aarangkada na ngayong Linggo sa Makati Coliseum

OPISYAL na bubuksan ngayong Linggo, June 21 ang Season 3 ng Philippine Schools Athletic Association …