Thursday , June 18 2026
Bato dela Rosa

Ipinatutugis sa PNP at NBI
MANDATO NG ARESTO VS BATO KASADO – DOJ

IKINASA ng Department of Justice (DOJ) ang pag-aresto base sa atas ni Secretary Fredderick Vida sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na dakpin ang ‘nagtatagong’ si  Senador Ronald “Bato” dela Rosa na itinuturing nang ‘international fugitive’.

                “I would like to confirm that the Philippine law enforcement agencies, which would include the PNP and the NBI, are now tasked to effect the arrest of Senator Ronald “Bato” dela Rosa,” ani Vida. “Senator Bato is a fugitive from justice and he should be brought to the ICC to face the charges,” pahayag ng Kalihim.

Aniya, ito ay alinsunod sa “validly issued” na warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Tiniyak ng Kalihim na wala si Dela Rosa sa gusali ng Senado, walang inilabas na temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema, at nananatiling epektibo ang warrant of arrest.

Hindi sinagot ni Vida kung agad dadalhin si Dela Rosa sa international tribunal, dahil ito ay “operational matters”.

“Operational matters ito na hindi ko maaaring talakayin upang hindi masira ang layunin ng pag-aresto, na ang pangunahing layunin ay dalhin siya sa ICC,” pagkaklaro ni Vida.

Ibinaba ni Vida ang babala laban sa mga indibiduwal na maaaring tumulong o makipagsabwatan kay Dela Rosa.

“Ang pakiusap ko po, sa mga maaaring tumutulong o nagtatago kay Senador Bato upang makaiwas sa batas, may kaakibat pong pananagutan,” aniya.

“Alam natin, sa panuntunan ng rule of law may pananagutan. Hindi lamang po sa batas ng Filipinas, kundi pati sa batas ng ICC. Dahil ito ay isang validly issued arrest warrant ng ICC, may mga panuntunan din pong kaakibat,” dagdag niya.

Dati nang naglabas ng warrant of arrest ang ICC laban kay Dela Rosa nang ituring na co-conspirator sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay sa war on drugs ni Rodrigo Duterte noong siya ay alkalde ng Davao City at nang siya ay naging pangulo ng Filipinas.

Ipinaliwanag ni DOJ spokesman Polo Martinez na may obligasyon ang gobyerno na tulungan ang mga biktima para makamit ang hustisya.

Ayon sa Office of the Solicitor General (OSG), ang kawalan ng TRO ay nangangahulugang wala nang legal na balakid sa pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Dela Rosa.

Nagsumite ang DOJ ng aplikasyon para sa Interpol red notice, na anila’y remedyo ngayon upang matunton at madakip ang senador.

Hinihingi ng DOJ special panel of prosecutors ang mga kopya ng mga kuha ng CCTV ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bisinidad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Senate kaugnay ng ‘pagtakas’ ni Dela Rosa bilang bahagi ng isinasagawang imbestigasyon.

Nabisto ang pagtakas ni Dela Rosa na pinaniniwalaang isinakay sa Fortuner ni Sen. Robin Padilla at magkasama silang umalis sa Senate premises dakong 2:30 ng madaling araw noong Huwebes, 14 Mayo, ilang oras pagkatapos ng kontrobersiyal na putukan.

Una nang tinanggihan ng Korte Suprema ang kahilingan ni Dela Rosa para sa TRO at/o status quo ante order (SQAO) kaugnay ng posibleng pag-aresto sa kanya batay sa ICC warrant.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia Gibo Teodoro

Goitia kinondena ang panggigipit ng Tsina kay Teodoro, nagbabala sa unti-unting panghihimasok sa Bajo de Masinloc

MARIING kinondena ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang pagpapataw ng sanksyon ng Tsina …

Nartatez PNP

Higit pa sa malaking drug bust: Bakit mahalaga ang hatol na ito?

NANG makumpiska ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 1.4 toneladang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱9.68 …

Lifeline Chemotherapy Center

Cancer patients in San Jose del Monte City can now avail free chemotherapy at Lifeline Chemotherapy Center

Recent data from the Department of Health reveals a growing incidence of cancer in Bulacan, …

Bam Aquino

Bam Aquino pinaiimbestigahan mabagal na paglulunsad ng P67-B pondo sa pagtatayo ng silid-aralan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAGBALIK bilang tagapangulo ng Senate Committee on Basic Education si Senador …

Supreme Court 125th Anniversary NHCP

SC Unveils Historical Marker, Plaque for 125th Anniversary

MANILA, Philippines — The Supreme Court of the Philippines officially unveiled a historical marker from …