RATED R
ni Rommel Gonzales
ILANG eleksiyon ang nagdaan na laging nababanggit ang pangalan ni Dingdong Dantes na qualified tumakbo at manalo bilang Senador.
At sa recent guesting ni Dingdong sa Kapuso Mo Jessica Soho ay natanong ang aktor kung may plano ba siyang pasukin ang mundo ng politika?
“Malinaw po sa akin na ang focus ko talaga ay dito sa industriyang ito, rito sa pagiging aktor,” sagot ni Dingdong.
Sa tanong ni Jessica kung wala ba siyang balak, seryosong sagot ng Kapuso Primetime King, “Wala po.”
Wala man sa public service ay nakatutulong ng malaki si Dingdong sa mga taong nangangailangan, lalo ang mga kasamahan niya sa industriya ng pelikula at telebisyon. Si Dingdong ang pinuno o chairman ng Aktor PH o League of Filipino Actors.
Ito ay isang organisasyon na pumuprotekta at sumusuporta sa kapakanan, karapatan, at career development ng mga artista sa Pilipinas, maging ang mga nasa likod ng kamera sa pelikula at sa telebisyon.
“Una, hindi lang naman po ako ang nakaisip niyon. It was a collective effort of a group of actors,” wika ni Dingdong.
“Nag-umpisa siya kasi noong panahon ng pandemic.
“Noong panahon na marami tayong mga uncertainties, marami tayong tanong sa industriya, sa sarili natin, sa kalusugan, maraming fears.
“Pero higit sa lahat, noong conversations po na ‘yun, doon nangibabaw ‘yung hopes.
“Ang sarap lang ng pakiramdam na kabilang ka sa isang community ng mga taong nagmamalasakit.”
On his 30th showbiz anniversary, napapanood si Dingdong sa Kapuso drama action series na Master Cutter bilang si Atoy na napanonood, 8:09 p.m. sa GMA Network.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com