
HATAW News Team
SUMADSAD na namanang halaga ng piso kontra dolyar sa unang trading day sa linggong ito.
Nabatid mula sa datos ng Bankers Association of the Philippines, bumaba ng 2.9 sentimo ang halaga ng piso at nagsara sa P61.75 dolyar nitong Lunes.
Mas mababa ito kompara sa dating record low na P61.721 sa pagsasara ng palitan noong Biyernes.
Nagbukas sa P61.69 at panandaliang tumaas sa P61.64, ngunit malaunan ay bumagsak sa record intraday low na P61.75.
Bumagsak naman ang trading volume ng 16.4% sa $1 bilyon mula sa dating $1.2 bilyon.
Kasunod ang pagsadsad ng presyo nang pananatiling matatag ng dolyar at mas mataas na presyo ng langis na sinabing nakaaapekto sa mga gastos sa pag-angkat at demand sa dayuhang palitan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com