MATABIL
ni John Fontanilla
UMAGAW ng atensiyon sa publiko sa social media ang ginawang pamamahagi ng bigas ng Kapamilya actress-singer na Maris Racal sa mga jeepney driver ng UP Ikot sa Diliman, Quezon City.
Ang pagbibigay ng bigas sa mga jeepney driver ni Maris ay para sa celebration ng kanyang ika-12 anniversary sa entertainment industry.
Pinost ng aktres ang mga larawan sa kanyang Instagram na may caption na, “12 years na ako sa industriya. Happy anniversary to us Mariestellers. Love you all so much.”
Pinusuan ito ng netizens na humanga sa magandang ginawa ng aktres-singer.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com