MATABIL
ni John Fontanilla
BONGGA ang all Filipino boy band HORI7ON na nakakuha ng dalawang nominasyon sa 35th edition ng Seoul Music Awards (SMA), isa sa malaki at inaabangang awards giving body sa Korea.
Ang Hori7on ay kinabibilangan nina Vinci, Kim, Kyler, Reyster, Winston, Jeromy, at Marcus na nabuo sa ABS-CBN talent competition program na Dream Maker.
Nag-train sila sa Korea at doon na rin nag-debut ng kanilang kauna-unahang album ang Friendship.
At ngayon nga ay nominado ang grupo sa kategoryang Popularity Award at K-pop World Choice – Group Award, na makikita sa kanilang official websites.
Ang 35th SMAs ay gaganapin sa June 20 sa Inspire Arena, Incheon, South Korea.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com