I-FLEX
ni Jun Nardo
MALUNGKOT ang fans ng bandang Cup of Joe na taga-Davao dahil sa announcement nitong kanselado ang concert nilang naka-schedule sa syudad.
Ang naka-schedule naman nilang concert sa Cagayan de Oro City eh sa September na gagawin.
May kaugnayan umano sa isyung political ang rason ng kanselasyon.
Samantala, pinaghahandaan ng Cup of Joe ang Sandali: The Cup of Joe Music Fest sa May 23 sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com