Thursday , June 11 2026
Abundo Bustamante Karate One-Youth League
NAPATALON sa tuwa si Francis Erl Jud Abundo matapos tambakan si Azlee Khairi bin Wan Zuraimi ng Brunei, 7-0, sa finals ng under-14 male kumite -40kg category ng Karate One-Youth League sa SM Mall of Asia sa Pasay City. KASAMA ni Francis Erl Jud Abundo ang kaniyang coach pagkatapos manalo ng gintong medalya laban kay Azlee Khairi bin Wan Zuraimi ng Brunei. MASAYANG nag No.one sign si Kathleya Elaine Bustamante kasama ang kanyang coach sa pagkapanalo ng gintong medalya sa under-14 female kumite -47kg category sa Karate One-Youth League sa SM Mall of Asia. Ang laban nina Kathleya Elaine Bustamante na sumungkit ng gintong medalya kontra Australian bet Ana Jovic, sa finals ng under-14 female kumite -47kg division. (HENRY TALAN VARGAS)

Abundo, Bustamante sumikwat ng ginto sa Karate One-Youth League

SINALBA nina Francis Erl Jud Abundo at Kathleya Elaine Bustamante ang kampanya ng Team Philippines matapos sumikwat ng tig-isang gintong medalya sa pagtatapos ng Karate One-Youth League na itinanghal sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Isang araw bago ang kanyang ika-13 kaarawan, rumatsada si Abundo at dinomina si Azlee Khairi bin Wan Zuraimi ng Brunei, 7-0, upang masungkit ang korona sa under-14 male kumite -40kg category ng torneo na sanction ng World Karate Federation at inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc.

Matapos ang tatlong araw na walang naiuwing ginto ang host country, si Bustamante ang naghatid ng inaasam na breakthrough matapos pabagsakin si Australian bet Ana Jovic, 6-2, sa finals ng under-14 female kumite -47kg division.

Nagdagdag naman sina Dean Caleb Montalbo at Alexa Rae Vallesteros ng tig-isang silver medal matapos pumangalawa sa under-14 male at female kata events ng torneo na suportado rin ng SM Group of Companies, Lanson’s Place at Milo.

Bahagyang kinapos si Montalbo kontra kay Moayad Alqahtani ng Saudi Arabia, 2-3, habang hindi kinaya ni Vallesteros ang tikas at precision ni Japanese standout Kyoka Okamoto na nagwagi sa iskor na 5-0.

Nauna nang nagbigay ng tansong medalya si Ashana Geanne Sabote matapos talunin si Niela Aieza Albano, 2-1, sa repechage round ng kumite female -42kg class. Sinundan ito ni Kaylani Vergara na nanaig kontra kay Andrea Nikolic ng Serbia, 4-1, para sa isa pang bronze medal.

Sa kabuuan, nagtapos ang Pilipinas na may dalawang ginto, dalawang pilak at dalawang tanso sa torneo na nilahukan ng halos 800 karatekas mula sa 58 bansa.

“Akala ko magiging close fight siya dahil finals,” ani Abundo, isang Grade 7 student ng Agustinian Abbey School of Las Piñas.

“Triny ko pong mag-attack pero hindi siya nag-counter kaya nasabayan ko siya ng sipa at suntok kaya nanalo ako,” dagdag pa ng batang karateka na nagsimulang magsanay sa edad na lima ngunit pansamantalang tumigil dahil sa pandemya.

Mas naging magaang ang kanyang landas sa finals matapos pataubin si WKF-1 Nikita Komarov, 7-3, sa semifinals.

Samantala, emosyonal si Bustamante sa kanyang panalo.

“Napakasarap sa pakiramdam dahil first time ko itong maranasan. Sobrang surprise ito para sa akin,” ani Bustamante.

“Masaya ako dahil naibigay ko ang best ko para makamit ito.”

Umaasa naman ang Grade 7 student ng Notre Dame University sa General Santos City na madadala niya ang magandang performance sa Palarong Pambansa na bubuksan sa Mayo 24 sa Prosperidad, Agusan del Sur, kung saan demonstration sport ang karate. (PSC/HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Henry Vargas

Check Also

DPWH Bulacan

Sa maanomalyang flood control projects  
2 Bulacan DPWH Officials sumuko kalaboso na kasama ni Discaya

ni MICKA BAUTISTA DALAWA pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan …

061026 Hataw Frontpage

Pagkalunod sa Aurora kinukuwestiyon ng ina
2 ATENEO STUDENT-ATHLETES PATAY SA TEAM BLDG ACTIVITY

HATAW News Team DALAWANG mahuhusay na basketbolista ng Ateneo de Manila University (AdMU) Men’s Basketball …

MMDA Gabriel Go

MMDA pinalalakas ang clearing operations sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila

TINALAKAY ni MMDA Special Operations Group (SOG) Chief Gabriel Go ang patuloy na pagpapatupad ng …

TNVS driver binaril ng pasahero

TNVS driver hinoldap, binoga ng pasahero 

BIGONG makauwi sa kanyang pamilya ang isang Transport Network Vehicle Service (TNVS) driver nang holdapin …

P7-M smuggled carrot noodles DA BOC

P7-M smuggled carrot sa noodles, nasamsam ng DA at BOC

HINDI nakalusot sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BoC) ang tangkang pagpuslit …