MATABIL
ni John Fontanilla
NAGDIWANG kamakailan ng kanyang kaarawan kasama ang malalapit na kaibigan ng talent manager at producer na si Lito De Guzman.
Ilan sa kanyang kaibigan na nakasama sa kanyang birthday celebration sina Direk Joel Lamangan, Direk Louie Ignacio, PMPC Vice President Rodel Fernando at marami pang iba.
Post nito ng isang larawan sa kanyang Facebook na may caption na: “I LOVE THIS PIC!
Cre’me de la cre’me (French word yan.
Which means “best of the best”. Hehehe)
—of Philippine Showbiz.
“At the very intimate–kami-kami lang talagang Dinner Birthday Party of our friend, LDG.
Talent Manager–Film Producer, Lito De Guzman.”
Nang i-message namin ito at tanungin kung anong wish niya sa kanyang kaarawan ay ang matagpuan daw ang taong mamahalin siya at makakasama niya ng panghabambuhay.
“Wish ko friend makatagpo na sana ng totoong magmamahal sa akin at ipagmalaki ako sa buong universe ha ha ha.
“No kidding aside, totoo talaga na gusto ko na matagpuan ‘yung taong masasabi kong the right one at siya na talaga.”
Wish nga rin nito na sana lahat ng kanyang mga alaga ay magkaroon ng career at matupad ang pangarap na sumikat.
“Sa career sana lahat ng nagtiwala at nadiscover ko mabigyan ko justice at validation ang dreams and goal nila in life.”
Isa pa sa wish nito na maging maganda ang resulta sa takilya ng kanyang pelikulang Desperada na mapapanood na sa mga sinehan simula May 27 na idinirehe ni Louie Ignaco at pinagbibidahan nina Robb Guinto, Yasser Marta, at Mhack Morales.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com