MATABIL
ni John Fontanilla
VIRAL sa social media ang mga larawan ni Dennis Trillo habang bumibili ng aircon sa isang appliance center.
Sa kanyang Instagram ay nag-post ito ng mga larawan habang bumibili ng aircon na may caption na: “Sa sobrang init ’di na kinaya niyong aircon namin… Presko na naman sa bahay. Stay cool, mga boss!”
Pinasalamatan ni Dennis ang mga staff ng appliances store sa magandang pag-aasikaso sa kanya.
Habang pinusuan naman ng netizens ang post na ito ng Kapuso actor.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com