SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
WALANG kagatol-gatol ang pahayag ni Sue Ramirez na payag siyang magkaroon ng baby sa kanyang boyfriend na si Dominic Roque.
“Why not? Sana. Kung maibibigay, ‘di ba? I think Dominic will be a very, very good father in the future, if he does want to have kids,” tugon ni Sue sa grand mediacon ng bago niyang pelikulang Project Baby ng Regal Entertainment nang matanong kung game ba siyang magpabuntis at magka-baby tulad ng karakter na ginagampanan niya sa pelikula. Naghahanap ng bubuntis dahil baby lang ang gusto niya kahit walang asawa.
Sinabi pa ni Sue na napakaswerte niya sa pagkakaroon ng kapartner na katulad ni Dominic, “Grabe kung kilala niyo lang talaga sino si Dom, napakabuti, napakabait, napaka-family-oriented, God-fearing, I think sobrang perfect.
“Lagi kong sinasabi sa posts ko, ang swerte ko talaga. ‘Yun talaga napi-feel ko. Nag-thank you ako kay Lord.
“Minsan kapag tinitingnan ko siya, napapa-thank you Lord ako. Hindi ko in-expect at almost 30 makakahanap pa ako ng sobrang bait,” nakangiting pagrarason ng dalaga na mag-30 taong gulang na pala sa July 20.
Kaya naman nasabi niyang feeling niya handa na talaga siyang magka-baby.
“Matagal ko na siyang gustong mangyari. Kapag tinatanong ako, ano bang gusto ko pang mangyari? Sabi ko, parang nagawa ko na lahat. Ang dami ko nang nagawa.
“Pero gusto kong maging nanay. Gusto kong maging nanay na katulad ng nanay ko. ‘Yun ang lagi kong sinasabi. Gusto ko gawin din ‘yung kung paano ako pinalaki ng mommy ko,” wika pa ni Sue.
Aminado naman si Suw na may kaunting pressure na pagdating sa pagbubuntis dahil sa kanyang edad, “‘Yun nga, inevitable yung ticking timebomb ng pagiging isang babae.
“Kailangan na siya ng kilos at galaw soon kung gusto nating may mangyari at may mabuong bata. Pero right now, I am still busy working. Pero kung ibibigay sa akin, why not?” dagdag pa.
Sinabi pa ni Sue na okey din lang sa kanya na magkaroon ng anak kahit hindi pa kasal.
Sa tanong naman kung okey siyang magkaanak kahit walang asawa o partner tulad ng character niya sa pelikula?
“Dati, naisip ko iyon. Baka kahit walang partner (mabuntis). Pero ngayon…siguro depende sa partner mo at the moment.
“Makikita mo rin talaga iyon at saka mas magbubukas pa ‘yung isip at puso mo sa possibility na I can still form a beautiful family.
“Pero if not, I think pipiliin mo tao, alam mo kahit maghiwalay kayo, may certainty ka na it is a person you want to do it with. ‘Yung magiging okay na ama ito sa anak ko kahit hindi kami mag-work out.”
Kasama rin sa Project Baby sina Rico Blanco, Matt Lozano, Arra San Agustin, Yasser Marta, Alex Calleja, Kimson Tan, Christian Ty, Charuth, Drei Arias, Jonathan Perez, Jazzil Sarinas, at Alice Dixson. Mula ito sa direksiyon ni Eric Quizon handong ng Regal Entertainment at mapapanood na sa mga sinehan sa June 10.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com