Monday , June 8 2026
BINI Bam Aquino

Bam Aquino niregaluhan ng fruit bags ang BINI sa pagbisita sa Senado

MALIBAN sa parchment copy ng Senate Resolution No. 370, nag-uwi rin ang Filipino P-pop sensation na BINI ng mga handwoven bag mula sa homegrown brand na Rags2Riches na regalo ni Senador Bam Aquino, ang may-akda ng resolusyon.

Iniabot ni Sen. Bam ang mga bag mula sa Fruit Bag Series ng Rags2Riches sa walong miyembro ng Nation’s Girl Group sa kanilang pagpupulong bago parangalan ng Senado ang BINI dahil sa pagiging kauna-unahang grupong Filipino na nagtanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa Indio, California.

Bawat miyembro ay nakatanggap ng magkakaibang fruit-inspired bag mula sa koleksiyon: si Mikha ay nakatanggap ng Dalandan bag, si Jhoanna ng Lemon o Limon bag, si Sheena ng Rambutan bag, si Maloi ng Peach bag, si Colet ng Orange o Kahel bag, si Gwen ng Watermelon o Pakwan bag, si Aiahng Pineapple bag, at si Stacey ng Cherry o Seresa bag.

Personal na iniabot ni Sen. Bam ang mga bag, na may kasamang personalized charms, kasama si Reese Fernandez Ruiz, co-founder at presidente ng Rags2Riches.

Kasamang itinatag ni Reese ang Rags2Riches si Sen. Bam para magbigay ng kabuhayan sa mga community artisan at underserved communities sa pamamagitan ng paggawa ng mga bag at iba pang handcrafted products mula sa mga hindi na ginagamit na tela.

Ang Rags2Riches ay kabilang sa mga social enterprise na tinulungan ni Sen. Bam na maitatag noong siya ay social entrepreneur pa bago pumasok sa public service.

Bukod dito, co-founder din si Sen. Bam ng Hapinoy, na tumutulong sa mga mahihirap na babaeng micro-entrepreneurs na nagpapatakbo ng maliliit na sari-sari store sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng microfinancing, business training, at mga bagong oportunidad sa merkado.

Kilala bilang tagapagtaguyod ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) at karapatan ng mga consumer, si Sen. Bam ang may-akda at sponsor ng Go Negosyo Act (Republic Act 10644) noong siya ang chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship.

Sa ilalim ng batas, nabibigyan ang MSMEs ng mas malaking access sa merkado at financing, training at capacity-building programs, at pinasimple ring proseso ng business registration para sa mga entrepreneur na nagsisimula o nagpapalawak ng kanilang mga negosyo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DHSUD Pag-IBIG Fund Lipa Batangas 4PH Program

Sa pinalawak na 4PH Program ni PBBM
DHSUD, Pag-IBIG Fund nagkaloob ng mga bahay at lote sa Lipa, Batangas

PATULOY na naghahatid ng bagong tahanan para sa mga pamilyang Filipino ang “Pinalawak na Pambansang …

Christy Imperial Apphle Celso Meg Imperial Ashtine Olviga

Apphle Celso proud kay Ashtine; Christy nahigitan pagpapa-sexy ni Meg

NATATAWANG ibinahagi ni Christy Imperial na hindi akalain ng pinsan niyang si Meg na malilinya siya sa pagpapa-sexy sa …

Kaye Abad Cancer Survivors Month

Kaye ipina-tattoo pink ribbon para sa Cancer Survivors Month

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “FOR quiet battles and victories of a cancer survivor.” Caption ng tattoo …

Apphle Celso Christy Imperial

Marian at Dakota Johnson inspirasyon ni Apphle para mahalin ang sarili

MATABILni John Fontanilla IDOLO ng VMX actress na si Apphle Celso sina Marian Rivera at Hollywood actress Dakota Johnson. Ayon kay Apphle …

Jillian Ward

Jillian mas gustong pribado ang buhay pag-ibig 

MATABILni John Fontanilla MAS gustong maging pribado ang lovelife ng  Kapuso Drama Princess na si Jillian Ward. …