Friday , June 5 2026
Lex Pasion Coco Martin Angel Locsin

Coco at Angel inspirasyon ng isang baguhan sa pagpasok sa showbiz 

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG Kapamilya Primetime King na si Coco Martin ang idolo at inspiration ng baguhang aktor na si Lex Pasion kaya pinasok ang showbiz.

Kuwento ni Lex. “Ang favorite actor ko po ay si Coco Martin, dahil he is not only a gooda actor/filmmaker, but his good character at values na ipinakikita towards everyone inspires and motivates me to be like him and strive to be the best version of myself.”

Bata pa lang si Lex, fan na siya ni Coco at lahat halos ng proyekto nito ay pinanonood  lalo na ang Juan Dela Cruz.

Almost lahat po ng pelikula at teleserye niya napapanood ko. Iconic po sa akin ‘yung teleserye niyang ‘Juan dela Cruz.’

“Na-inspire po ako sa galing niyang umarte. Sana maging katulad niya ako. I’ m looking forward po na makita at makatrabaho siya soon.”

Bukod kay Coco, si Angel Locsin naman ang paborito niyang aktres.

“Sa babae naman po si Angel Locsin na talaga ang favorite actress ko, hindi lang dahil sobrang galing umarte at damang-dama mo bawat role niya, pero dahil inspiring din siya bilang tao.

“She carries herself with so much humility, grace, and kindness, kaya maraming tao ang humahanga sa kanya. 

“Nakaka-admire na despite her fame and success, marunong pa rin siyang tumulong at maging totoo sa sarili niya.

“For me, she’s more than just an actress — she’s someone na may magandang puso at tunay na may impact sa mga tao, on and off screen.

“Kaya I want to see her in person and hopefully nakatrabaho ko rin siya sa teleserye o pelikula.” 

Kaya naman dream niya na sumikat katulad nina Coco at Angel para maging inspirasyon din sa iba at gusto rin nitong makatulong.

“I want to be in the showbiz industry po to build a name, express who I am as a person and show my abilities talents and to inspire/motivate the young generation na magkaroon ng lakas ng loob ipakilala ang pagkatao at kung sino sila rito sa mundo.

“Katulad nina Coco at Angel na ginagamit ang kasikatan sa pagtulong sa mga tao na nangangailangan.”

Ibinahagi rin nito kung paano siya na-discover at nakapasok sa showbiz.

“I was actually discovered at a debut by my brother’s manager (Jann Vicente). He approached me and we had a conversation about giving me an opportunity.

“He asked me if gusto kong pumasok sa showbiz? I’ve told him ‘yes’ and tell him that I want to see things how it will go po and here I am now entering showbiz.

“Sana mabigyan ako ng magagandang proyekto at makatrabaho ang mga iconic star  sa industry,” pagtatapos ni Lex.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …