Saturday , June 6 2026
Valerie Concepcion Roots of Contagion

Valerie Concepcion wa ker kung nakakahon sa pagkokontrabida

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NALUHA si Valerie Concepcion habang ibinabahagi sa amin kung paano siya na-appreciate ng kanyang anak na si Fiona. (Si Heather Fiona Galang ay anak ni Valerie sa non-showbiz ex-boyfriend niyang si Jeremy Carag). Nakausap namin si Valerie sa Story Conference ng Roots of Contagion na isinagawa sa B Hotel noong May 12, 2026.

Mag-isang pinalaki ni Valerie si Heather na ngayon 21 taong gulang na at kumukuha ng kursong Nursing.

She really appreciates me being her mom. Parag feel na feel ko po, like nitong Mother’s Day…hala naiiyak ako, may tennis tournament ako, akala ko hindi sila makakanood.

“Sinorpresa niya ako, may dala siyang flowers. And she always tell me na, ‘she’s very grateful sa lahat ng sacrifices ko for her. 

“At least she acknowledges that and alam niya po iyon,” pagbabahagi ni Valerie ukol sa kanyang panganay na anak na bagamat inabandona ng ama ay lumaking buong-buo dahil na rin sa pagmamahal na ibinibigay niya rito gayundin ng asawa niyang si Francis Sunga.

Muntik na palang pasukin ni Heather ang pag-aartista. Sumabak ito sa Goin’ Bulilit.

“Tin-ry niyang mag-taping ng one day, kaso umiyak siya, ayaw niya. Parang natakot siya. Kasi baka grupo ng mga bata na nagtatawanan. Akala niya siya pinagtatawanan. Simula noon parang na-traumatize,” pagbabahagi ni Valerie ukol sa anak na suportado niya kung anuman ang gustuhin nito.

Ukol naman sa kung tumatanggap  siya ng sexy roles, sinabi nitong hindi. Bagamat may mga kissing scene siyang nagawa sa mga kontrabida role at kaunting skin na ipinakita sinabi ng aktres na hindi seksing-seksi.

“Never kong ginawa na magpa-sexy before, kaya hindi na para ngayon pa ako magsimula,” natatawang tugon nito.

Iginiit din ni Valerie na hindi niya talaga kayang magpakita ng skin sa pelikula kahit pa maganda ang istorya o kailangan sa pelikula. “Baka hindi ko kaya, ako mismo hindi ko kaya pati ang husband ko rin, lalo na hindi siya sa showbiz. He wouldn’t understand.”

Okey naman kay Valerie na nakakahon siya sa kontrabida roles. 

“Okey lang naman sa akin. Actually kaya rin happy ako, iyong ‘Hello, Love, Again’ na ang role ko is very funny, kaibigan ni Kathryn Bernardo sa movie, very light lang, at least naiba sa mga ginagawa kong kontrabida roles. 

“Pero wala akong complain kasi kahit anong roles okey sa akin as long as may trabaho ako,”  wika pa ng aktres.

Tulad ngayon na kasama siya sa pelikulang Roots of Contagion na pinagbibidahan din nina Kate Yalung, Althea Ablan, John Arcenas, Abdul Rahman at marami pang iba handog ng PinoyFlix.

“Actually, tulad ng sinabi ni direk Jose JR Olinares, ‘Hating Kapatid’ pa lang ino-offer na nila ito sa akin kaso hindi magtugma ang schedule. 

“Then when finally naging okey na ang schedule pwede nang gawin. Binasa ko ang script at maganda and also first time kong maging Science teacher na kontrabida. I’m always kontrabida naman sa mga teleserye pero usually mayaman na kontrabida. 

“Rito first time na Science teacher. Ang naging problema ko lang dito eh iyong mga Scientific terms.

Ang sabi ko sa sarili ko, makakabisa ko ba ang mga ito, anong alam ko rito sa mga Scientific terms? So it will be a very challenging role for me, kaya sabi ko gusto ko i-try. Gusto kong gawin.”

Aminado si Valerie na nae-enjoy niya ang pag-aartista dahil hindi niya nakikita ang sarili na may ibang trabahong gagawin.

“Napag-uusapan nga po namin ni Ate Ai Ai (delas Alas) nang mag-guest ako sa ‘My Bestfriend Emman’ na ipalalabas next week, sabi namin, ‘parang wala kaming alam ibang gawin o gustong gawin,’ ako rin naman kasi gusto ko artista lang talaga.

“And I agree, I don’t see myself na nag-o-office. Nothing against them pero parang 14 pa lang ako nag-aartista na. More than half of my life nag-aartista na. 

“So, parang… and I still love what I do, masaya pa rin siya para sa akin. Hindi pa rin siya parang work for me.

“Kaya kahit LDR kami ng asawa ko, six years na kaming kasal pero LDR pa rin kami kasi based siya sa Guam eversince. Eversince I met him sa Guam na talaga siya. So ‘yung relationship namin na total kasama ang girlfriend-boyfriend pero LDR kami forever.”

Aminado si Valerie na mahirap ang LDR pero nagwo-work naman sa kanila ni Francis. At sobrang suportado ng kanyang asawa ang kanyang pag-aartista.

“Nagwo-work naman kasi may baby naman kami tapos parang nami-miss out niya iyong paglaki ng baby parang sinasabi niya na kung talagang gusto ko pa ring maging active sa showbiz ‘sige ako na lang ang lilipat.’ So may plano siya na lumipat ng Pilipinas end of this year.”

Nalaman naming bago sila ikasal usapan nilang sa Guam sila maninirahan subalit nagtuloy-tuloy ang offer sa kanya. “Ang sabi ko sayang naman, hanggang kailan ba ako pwedeng mag-artista? Kaso mo nagtuloy-tuloy ang offer. So siya na ang nagsabi na siya na lang magsasakripisyo.

Hindi rin nakikita ni Valerie na magiging plain housewife siya.  

“I don’t see myself na magiging plain housewifeako. Even kung mag-Guam ako I see myself na magwo-work pa rin kasi mababaliw ako kapag sa bahay lang. 

“As i’ve said, sanay akong kumikita ng sariling pera bata pa lang ako mayroon na akong sahod.”

Sa kabilang banda, sinabi ni direk Olinares na ang Roots of Contagion ay isang horror movie. “It is a story about science, responsibility and survival. We wanted to create something that eels real and relatable, set in one of the most historic schools in the country. 

“Get ready to see the campus like you’ve never seen i before—covered in fear and nature.”

Ang pelikula ay maisasakatuparan sa pagtutulungan at pagsisikap sa pamamagitan ng makabuluhang partnership na nagpapakita ng matatag na pangako sa parehong cinematic na kahusayan at panlipunang responsibilidad. Nagtulong-tulong dito ang Colegio de San Juan de Letran Calamba, Buenas Distribution Ventures Inc., Gov. Sol Aragones ng Laguna, Atty Jose Magtanggol Carait III, at Calamba City Risk Reduction Management Office.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Isha Ponti

Isha Ponti walang isyu sa taguring Asia’s Pop Sweetheart 

HARD TALKni Pilar Mateo ANG tanong ko sa kanya kung ano ang likas sa isang Isha …

Joel Lamangan Vean Cancino Olmedo

Joel Lamangan nabighani sa ganda at galing ni Vean Cancino Olmedo

HARD TALKni Pilar Mateo DALAWANG Sabadong nagsilbing hurado sa pagtatanghal ng mga bagong sumabak sa …

Alfred Vargas Yasmine Espiritu-Vargas

 Alfred at Yasmine umapela: mga ebidensiya binalewala

UMAPELA ang mag-asawang Alfred Vargas at Yasmine sa Manila Prosecutors’ Office na suriing muli ang resolusyong nagbabasura sa isinampa …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …