Thursday , June 4 2026
Ka Jet Gonzaga Sandugo

“Impeachment” vs VP Sara ituloy sa Senado – Sandugo

SUMUGOD ang grupong Sandugo sa senado sa pangunguna ng isang Ka Jet  Gonzaga upang ipanawagan sa mga senador na ipagpatuloy ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte upang papanagutin sa kanyang mga ginawang pagkakamali lalo ang paglustay sa pera ng bayan sa loob lamang nang ilang araw.

Ayon kay Ka Jet, marapat makakuha ng sapat na hustisya ang bawat mamamayan sa ginawa ng bise presidente.

Bukod sa pagpapakita sa impeachment  ay nanawagan din si Ka Jet kay Senador Ronaldo “Bato” Dela Rosa na isuko na ang kanyang sarili sa batas.

Habang patungo sa senado ang grupo ng Sandugo para sa isang kilos protesta ay sinalubong sila ng mga Pro-Duterte group at tinangkang wasakin ang kanilang mga hawak-hawak na placards.

Sa kabila nito, pilit na umiwas ang grupo at nakinig sa payo ng mga awtoridad na lumipat ng lugar na pagdarausan ng tahimik na kilos protesta.

Nanindigan si Ka Jet na suportado nila ang kasalukuyang administrasyon lalo ang mga programa nito para sa bayan at mamamayan.

Naniniwala si Ka Jet na ang sinumang nagkasala ay dapat managot sa ating batas at pagbayaran ang bawat kasalanan niya lalo kung ang pera ng taong bayan ang nakataya o nilustay. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …