MA at PA
ni Rommel Placente
HAWIG kay Nadine Lustre ang isa sa kandidata sa Miss Lipa Tourism 2026 na si Allyza Joyce Lescano.
In fairness sa dalaga, pang-beauty queen ang dating niya, huh! Maganda siya, matangkad, at sexy.
Bukod pa rito ay matalino siya. Nasasagot niya with flying colors ang mga tanong na ibinabato sa kanya sa media conference para sa kanilang mga kandidata sa Mister and Miss Lipa Tourism 2026.
Aware naman si Allyza na maraming nagsasabi na may hawig nga siya sa ex ni James Reid. At siyempre, flattered siya.
Sa tanong namin kay Allyza kung pangarap ba niya talagang maging beauty queen kaya sumali siya sa Mister and Miss Lipa Tourism 2026, sagot niya, “Actually po, ang pagiging beauty queen po, hindi ko po talaga na-envision na gagawin ko.
“Pero I guess po, for me stepping stone ‘to para mas maipakita ko kung paano ko panghawakan ang sarili ko, kung ano ‘yung self-steem ko, paano ko bitbitin ‘yung sarili ko, ganoon po.
“Kasi, ang lagi pong nagiging reminder sa akin ng mommy is ang pinakamahalaga raw po is kung paano ko bitbitin ang sarili ko.
“Kumbaga, mahalaga po ‘yung confidence.’ Yun po.’
“Kasi sa akin po, kahit anong puri sa ‘yo ng tao, ‘ay maganda kang bata, ganito, ganyan.’
“Siyempre po, sa akin po kasi, hindi ko agad paniniwalaan.
“Pero dahil po sa beauty pageant na ‘to, sa Miss Lipa Tourism, natuto po ako na bitbitin ‘yung sarili ko.
“Na magkamali man ako, or hindi man maging perfect ‘yung pag-execute ko ng isang bagay or ng sagot, basta po composed ako, kaya ko!”
Kung sakali ba na papalarin siya na manalo sa Miss Lipa Tourism, itutuloy ba niya sa Binibining Pilipinas?
“Sana po. Naging ano po kasi namin ng mommy ko..why not try?”
Sa tingin ba niya, siya ang karapat-dapat na tanghaling Miss Lipa Tourism?
“I think lahat naman po kami deserving, dahil lahat nagpu-put ng effort.
“Pero I think, I deserve to win the crown of Miss Lipa Tourism, because I myself did not only join this pageant simply because I want to showcase my beauty, and how I am able to present myself with confident but I will take this opportunity to further promote po ‘yung advocacy ko.
“Na ‘yung importance po talaga na ‘yung youth po is connected with the local government. Kasi kailangan po is ma-appreciate rin po natin kung anong mayroon ‘yung city natin.
“And I think ‘yung pagti-take part po kasi ng youth is…siyempre po tayo naman…without ‘yung current leaders natin, sino po ang papalit sa kanila?
“So kalangan po tayo, lalo na po kaming mga kabataan, hindi lang kami po aware, pero dapat alam namin kung ano ‘yung gagawin pa namin para lumago pa ‘yung city (Lipa),” paliwanag pa niya.
Samantala, ang kaibigan namin na si Mr. Joel Pena ang President ng Lipa Tourism Council. Si Ms. Aylene Acorda ang Lipa Tourism OIC, Ms. Georgia Reyes ang Pageant Director, at si Hon. Councilor Venice Manalo ang Chairperson.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com