Wednesday , June 24 2026
Rhea Tan Jennylyn Mercado Beautederm Reverie

Jennylyn malaki ang tiwala sa produkto ng Beautederm

MATABIL
ni John Fontanilla

FRIENDS na at close na close na si Jennylyn Mercado sa CEO & President ng BeauTederm na si Rei Anicoche-Tan hindi pa man ambassador ang aktres.

Si Ate (Rei), pamilya na sa akin ito, tulad ng sabi niya, wala pa ako sa Beautéderm, mayroon na kaming communication. Lalo na ngayon na ninang siya ng anak ko (Dylan) at endorser niya rin ang asawa ko (Dennis Trillo).

Malaki ang tiwala nito sa mga produkto ng BeauTederm. ‘Di pa man  ambassador si Jennylyn ay gumagamit na ito ng Reverie Air & Fabric Freshener at ang Cloud Whisper, Pure Serenity, at Cafe Aroma scent ang paborito niya.

Siyempre iyong trust ko naman sa Beautéderm, unang-una iyong quality, ng lahat ng produkto na ginagawa ng Beautéderm ay maaasahan, very reliable, consistent.

“Simula noon, 17 years na, hanggang ngayon, consistent ang mga produkto, hindi nagbabago.

Mayroon akong tatlong favorite, iyong Cloud Whisper, Pure Serenity, at Cafe Aroma. 

“Ikinukuwento ko kay ate Rei, sabi ko, ‘Ang bango-bango ng Cloud Whisper, nakaka-relax siya, iyong kapag gusto mong mag-relax, matulog, gusto mong maupo, manood na lang ng TV, ganoon, puwede mong i-spray sa sofa.’

“Puwede mo ding i-spray sa mga unan ninyo, sa comforter ninyo, sa air puwede rin.

Iyong Cafe Aroma naman, gustong-gusto ko siya, kasi amoy cafe.

“So, parang naaamoy mo pa lang, hindi ka pa nagka-cafe, pero para ka nang nag-cafe, nagising ka na agad, na-enegized ka na.

“Iyong Pure Serenity, ganoon din ang feeling para sa akin, mare-relax ka at ang bango-bango na parang ang linis-linis.”

Mahalag para kay Jennylyn ang mabango ang bahay dahil nakaka-relax ito.

Kasi, hindi ba kapag mabango ang bahay, parang ang linis niya at nakaka-relax?

“At kapag mabango, marami kang naaalala na emotions, marami kang mga naaalalang memories. Depende kung ano iyong scent na ipinabango sa kuwarto.

“Importante siya, nakaka-set siya ng mood, nakaka-uplift siya.”

Si Jennylyn na nga ang mukha ng Reverie Air & Fabric Freshener by BeauTederm – Cafe Aroma (coffee), First Ambience (green tea), Pure Serenity (warm vanilla), First Nostalgia (grapefruit citrus), Lily Lush (matcha), at Cloud Whisper (cherimoya). 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …