MATABIL
ni John Fontanilla
ANG maging sikat na komedyante katulad ni Michael V. ang gustong maging ng chinito newbie na si Wesley Francisco ng Antipolo City.
Tsika ni Wesley, “Favorite actor ko po si Michael V, dati ko pa napapanood ‘yung ‘Pepito Manaloto’ and ‘Bubble Gang,’ napakahusay niya magpatawa.”
Dagdag pa nito, “Naging paborito ko pa ‘yung
‘Pepito Manaloto’ dahil ka’y Michael V.
“Bukod sa marami po akong natutunang aral sa kanilang episodes.”
Mas humanga pa ang baguhang aktor kay Michael V. nang maging direktor ng Pepito Manaloto.
“Mas lalo po akong humanga sa kanya noong naging director po siya ng ‘Pepito Manaloto.’
“Mukha po siyang mabait at sobrang funny talaga ng mga joke n’ya.
“Sana po someday makatrabho ko po siya at makasama sa comedy film o tv show.”
Naibahagi rin nito na pinasok niya ang pag-aartista dahil gusto niyang maging role model sa mga katulad niyang kabataan.
“Gusto ko po maging actor dahil gusto kong maging role model ng katulad kong mga kabataan.”
Bata pa lang mahilig nang manood ng pelikula si Wesley. “Mahilig na po ako manood ng mga movie, naiisip ko na paano kung isa ako sa character doon sa movie, astig po talaga.
“Bukod sa gusto ko ring ma-unlock ‘yung potential ko at hinahanap ko rin ‘yung sarili ko kung saan ako mas nababagay na industry.”
Ang pagpasok nito sa showbiz ay iniaalay sa kanyang mga magulang.
“Gusto ko rin maging proud sila mama at papa sa akin dahil noong bata pa ako pangarap na nila na maging artista ako. Kaso noong bata ako umiiyak ako ‘pag naiiwan mag-isa kaya ‘di natutuloy, kaya ngayong malaki na ako gusto ko ituloy para sa mga magulang ko,” pagtatapos ni Wesley.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com